LRTA administrator Berroya, pumanaw
MANILA, Philippines — Pumanaw na si retired police general at Light Rail Transport Authority (LRTA) administrator Reynaldo Berroya.
“On behalf of the entire staff, officers and sectors of the Department of Transportation (DOTr), and also of my own family, I convey my utmost condolences and solicitude to the family and loved ones left behind by Gen Berroya,” pagkumpirma ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade sa isang Facebook post.
Hindi naman nagbigay pa si Tugade ng iba pang detalye hinggil sa pagpanaw ni Berroya.
Gayunman, pinuri niya ang pumanaw na heneral dahil sa kanyang pambihira at kahanga-hangang pamumuno.
Si Berroya ay miyembro ng Presidential Anti-Crime Commission (PACC), na dating pinamumunuan ng noon ay Vice President na si dating Pang. Joseph Estrada.
- Latest