CHR pinuri sina Lacson-Sotto sa pagbawi ng suporta sa parusang bitay
MANILA, Philippines — Welcome development kung ituring ng Commission on Human Rights (CHR) ang desisyon ng Partido Reporma at Nationalist People's Coalition standard bearers sa 2022 na bawiin ang suporta nila sa pagbabalik ng parusang kamatayan.
Huwebes lang kasi nang sabihihin nina presidentiable at vice presidential bets Sen. Panfilo Lacson at Senate President Vicente "Tito" Sotto III na wini-withdraw na nila ang mga panukalang batas nila sa pagbabalik ng death penalty — bagay na ilang taon nilang itinutulak noon.
"Senators Lacson and Sotto cite the possibility of ending the life of an innocent person as the main reason for their change in stance. Indeed, an imperfect criminal justice system may end an innocent life," wika ni CHR commissioner Karen Gomez-Dumpit, Biyernes.
"This recent development is a win for the sanctity of life. We also hope that this is enough to turn the tide in the Senate and halt the proposals to reintroduce capital punishment in the country."
Nakikiusap ngayon sina Dumpit sa iba pang mga mambabatas na dati nang nagpahayag ng suporta sa naturang "counterproductive measure" na i-reconsider ang kanilang posisyon at tumindig para sa karapatang mabuhay at dignidad ng lahat ng tao.
Kahapon lang nang sabihin ni Lacson na nagbago ang kanyang isip pagdating sa death penalty dahil sa isang pelikula sa Netflix na nagpapakita kung paano maaaring mabitay kahit ang mga inosenteng nakulong.
Imbis na ipanumbalik ang parusang kamatayan, maaari na lang daw magtayo ng mga hiwalay na national penitentiary para sa mga high-level drug traffickers at heinous criminals. Makatutulong din daw na magtayo ng regional penitentiaries imbis na ipagsiksikan ang mga preso sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa. Matitiyak daw kasing umayos ang mga convict kapag laging nabibisita ng kanilang mga pamilya.
1987 Constitution at karapatang mabuhay
Pagdidiin ng CHR, maling-mali ang sadyang pagtapos ng buhay ng tao, na siyang lumalabag sa batayang prinsipyo ng karapatang pantao at human dignity.
"The Philippine Constitution includes a clear State Policy to value the dignity of every human person and to guarantee respect for human rights," wika pa ni Dumpit.
"The reimposition of death penalty is also violative of our international legal obligations, specifically under the Second Optional Protocol to the International Covenant on Civil and Political Rights, aiming at the abolition of death penalty."
Ayon sa Article III Section 1 ng 1987 Constitution o "Bill of Rights," sinasabing:
No person shall be deprived of life, liberty, or property without due process of law, nor shall any person be denied the equal protection of the laws.
Deterrent sa krimen o hindi?
Bukod pa rito, iginigiit ng komisyon ng hindi epektibo ang death penalty sa pagsugpo ng kriminalidad. Kahit na sinuspindi ang pagpapatupad nito simula pa 2006, hindi naman daw masuportahan ng datos na tumaas ang mga krimen sa bansa.
"The Commission’s study revealed that the support for death penalty mainly lies in wanting to be safe and secure," saad pa ni Dumpit.
"The heightened fear of becoming a victim to a crime is pushing Filipinos to support harsher penalties. However, the harshness of the penalty is not a deterrent but the certainty of punishment."
Sa ilang advisories ng CHR, iminumungkahi nila ang bilis at pagtaas ng posibilidad na maaresto at ma-convict para sa krimen bilang mas mabisang deterrent. Kasabay nito, kinakailangan daw ang agarang rehebilitasyon ng mga offenders dahil hindi raw dapat natatapos sa pagpapakulong ang katarungan.
Ngayong Marso 2021 lang nang maglabas ang National Economic and Development Authority (NEDA) ng listahan ng 25 bills na target ng administrasyong maipasa ngayong taon — kasama na rito ang death penalty para sa drug-related crimes.
Bilang signatory ang Pilipinas sa Second Optional Protocol to the International Covenant on Civil and Political Rights, sinasabi ng mga eksperto na magiging "international lawbreaker" ang Pilipinas oras na buhayin ng bansa ang parusang bitay.
- Latest