New COVID-19 cases sa Pilipinas pinakamababa sa higit 250 araw
MANILA, Philippines — Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 186 bagong infection ng coronavirus disease, Miyerkules, kung kaya't nasa 2,793,898 na sumatutal ang nahahawaan nito sa bansa.
Batay sa mga bagong nakalap na datos ng Kagawaran ng Kalusugan, narito ang bagong mga pasok na datos para araw na ito:
-
lahat ng kaso: 2,793,898
-
nagpapagaling pa: 38,014, o 1.4% ng total infections
-
bagong recover: 4,294, dahilan para maging 2,712,298 na lahat ng gumagaling
-
kamamatay lang: 186, na siyang nag-aakyat sa total local death toll sa 43,586
Metro Manila curfew magtatapos bukas
-
Ngayong araw naitala ang pinakakaonting bilang ng bagong nahawaan ng COVID-19 (1,591) simula ika-24 ng Pebrero. 252 araw na ang nakalilipas mula niyan.
-
Tatanggalin na ang ipinatutupad na curfew sa Metro Manila bilang pagkontrol sa pagkalat ng COVID-19 simula bukas, ika-4 ng Nobyembre. Ito ang sabi ni ni MMDA chair Benhur Abalos matapos daw itong mapagkaisahan ng 17 alkalde ng Kamaynilaan kamakailan.
-
Target naman ngayon ng gobyerno na makapagturok ng hindi bababa sa 15 doses ng COVID-19 sa buwan lang ng Nobyembre para maabot ang 90% ng mga guro, estudyante at school personnel, ayon kay vaccine czar Carlito Galvez Jr. sa isang pre-recorded public address ni Pangulong Rodrigo Duterte.
-
Kumpleto na ang 100 public schools na sasabak para sa pilot implementation ng face-to-face classes sa gitna ng COVID-19 pandemic sa ika-15 ng Nobyembre, pagbabahagi ng Department of Education kanina.
-
Aprubado naman na ng Estados Unidos ang COVID-19 vaccination ng mga batang 5-11 taong gulang gamit ang bakuna ng Pfizer-BioNtech.
-
Nakakuha naman na ng kumpletong COVID-19 doses ang nasa 27.74 milyong katao sa Pilipinas simula nang umarangkada ito nitong Marso. Bahagi lang 'yan ng kabuuang 60.4 bakunang naiturok sa bansa ngayon.
-
Umabot na sa 246.95 milyon ang tinatamaan ng COVID-19 sa buong daigdig, ayon sa huling datos ng World Health Organization. Sa bilang na 'yan, patay na ang 5 milyong katao.
— James Relativo
- Latest