25 pang pasilidad magtuturok na rin ng COVID-19 vaccines sa mga chikiting
MANILA, Philippines — Magsisimula na ang ikalawang phase ng COVID-19 vaccination para sa mas maraming menor de edad na may comorbidities ngayong araw, dahilan para maging available na ito sa mas maraming ospital at pasilidad.
Ang ceremonial activity para sa phase 2 ng pagbabakuna para sa mga mas malawak na hanay mga batang 12-17 ay umarangkada ngayong Biyernes sa Cardinal Santos Medical Center, San Juan City.
"As with the vaccination process of the adults, the vaccination for children will be closely monitored to detect adverse events following immunization to ensure the safety of our young vaccine recipients," wika ni Health Undersecretary Roger Tong-An kanina.
Idadagdag sa listahan ng mga inisyal na ospital at pasilidad na magbibigay ng COVID-19 vaccinations sa mga bata ang mga sumusunod:
- Caloocan City Medical Center (North at South)
- Ospital ng Malabon
- Navotas City Hospital
- Valenzuela City Emergency Hospital
- Marikina Sports Complex (malapit sa Amang Rodriguez Memorial Medical Center)
- Quezon City General Hospital
- St. Luke’s Medical Center Quezon City
- Ospital ng Maynila
- Ospital ng Makati
- SM Megamall Mega Vaccination Site (malapit sa Mandaluyong City Medical Center)
- Cardinal Santos Medical Center
- Ospital ng Muntinlupa
- Ospital ng Parañaque 1
- University of Perpetual Help System Dalta
- Pasay City General Hospital
- St. Luke’s Medical Center - Global City
Una nang umarangkada ang pagtuturok ng nasabing gamot sa mga sumusunod na mga ospital:
- Philippine General Hospital
- National Children’s Hospital
- Philippine Heart Center
- Pasig City Children’s Hospital
- Fe Del Mundo Medical Center
- Makati Medical Center
- St. Luke’s Medical Center
- Philippine Children’s Medical Center
"Getting vaccinated against the virus, not only the adults, but also eligible children based on the Department of Health policies and guidelines will make a better environment for the kids," paliwanag ni Tong-an.
"As such, we are urging that eligible children and adolescents be registered following your hospital’s mechanisms. As with other vaccines, make sure that the doses are completed on schedule. And most importantly, in the time of the pandemic, practice minimum public health standards to protect from getting infected and infecting others with COVID-19 and its variants."
Setyembre lang nang ianunsyong inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang immunization ng mga bata ngayong Oktubre, habang na igugulong kasabay ng mga "general population."
Una nang inestima ng Department of Health na aabot sa 1.2 milyon ang children with comorbidities na sakop ng pediatric vaccination.
Mga rekisitos bago maturukan
Ipinaalala naman ng Kagawaran ng Kalusugan sa mga bahagi ng Pediatric A3 Group na magpa-schedule muna sa mga nabanggit na ospital bago ang pagtuturok.
Kinakailangan nilang dalhin ang mga sumusunod sa araw ng pagbabakuna:
- medical certificate na nagdedetalye sa comorbidity ng bata
- valid IDs ng parehong bata at kanyang magulang/guardian
- kahit anong pruweba ng filiation gaya ng birth certificate
Kinakailangang samahan ang bata ng kanyang magulang o guardian oras na pumunta ng vaccination site.
Una nang nakapag-ulat ng ilang minor side-effects ang COVID-19 vaccines sa mga batang Pinoy sa unang sabak nito. Gayunpaman, nasa 0.27% lang ito ng kabuuang nabigyan sa unang araw ng pagtuturok. Pfizer at Moderna pa lang ang pwedeng iturok sa mga 12-anyos pataas sa ngayon sa Pilipinas.
Sa huling ulat ng DOH, umabot na sa 2.74 milyon ang nahahawaan ng COVID-19 sa Pilipinas. Patay na ang 41,237 sa bilang na 'yan.
- Latest