^

Bansa

Dela Rosa napikon sa banat ni Tulfo na 'failure' ang war on drugs

James Relativo - Philstar.com
Dela Rosa napikon sa banat ni Tulfo na 'failure' ang war on drugs
Litrato nina PDP-Laban presidential candidate Sen. Ronald "Bato" dela Rosa at broadcaster at senatorial aspirant Raffy Tulfo
PNP-PIO, File; 'Raffy Tulfo in Action' via YouTube, screengrab

MANILA, Philippines — Hindi napigilang ng isang kandidato sa pagkapangulo ang banat ng isang senatoriable sa madugong giyera kontra droga ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Lunes nang sabihin ni senatorial bet at broadcaster na si Raffy Tulfo na "bigo" ang drug war ni Digong, bagay na pinangunahan ni Sen. Ronald "Bato" dela Rosa bilang dating hepe ng Philippine National Police. 

"Noon hangang-hanga siya sa drug war. Ngayon failure na. Sino siya para magjudge na failure ang drug war?" ani Dela Rosa, na tumatayong kandidato sa pagkapangulo ng PDP-Laban sa 2022, sa panayam ng ANC ngayong Martes.

"Siguro yung mga taong nagsasabi na failure ang drug war, ito yung mga tao na nakatira sa gated community, posh subdivisions, very safe sila sa pamumuhay doon dahil guwardiyado sila."

Pagdidiin ni Dela Rosa, na handang umatras sa pagtakbo kung kakandidato sa pagkapangulo si presidential daughter at Davao City Mayor Sara Duterte sa ilalim ng kanilang partido, hindi lang mahihirap at pipitsugin ang pinupuntirya ng kampanya kontra-droga ngunit pati mga banyaga at pulitiko.

"Ano pala ang mga Intsik na napatay dyan? Mga mayor na namatay, mga congressman na tinamaan sa war on drugs?" dagdag ni Bato, na sa kabalintunaan ay salitang kalye para sa shabu.

"It only goes to show they're ignorant about the real situation of the drug problem sa Pilipinas."

Sa pinasariwang datos na inilabas ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) nitong Agosto, aabot na sa 6,191 ang namamatay sa gitna ng opisyal na anti-drug operations.

Gayunpaman, inilalagy ng human rights groups ang mga napatay nang "walang due process" sa kampanya sa bilang na 12,000 hanggang 30,000, dahilan para aprubahan na ng International Criminal Court (ICC) ang full investigation sa human rights situation ng bansa.

Bagama't una nang sinabi ng Malacañang na hindi sila makikipagtulungan sa ICC probe, "welcome" naman daw silang mag-obserba ng drug war situation  sa Pilipinas sabi ni Dela Rosa — kaso, sampal daw ito sa mukha ng local courts.

'Gera kontra-mahirap'

Bagama't itinuturing pa rin ni Tulfo si Duterte bilang isang kaibigan, aminado siyang hindi siya sang-ayon sa lahat ng kanyang mga ipinatutupad na polisiya.

"[Ang war on drugs] definitely a failure. Siya mismo ang umamin noon. Kasi sinabi niya, in six months time, maso-solve na niya ang problema sa drugs. Pero hindi nangyari 'yon," ayon kay Tulfo.

"Lately, siya mismo ang umamin na, 'Hindi ko pala kaya. Akala ko kaya.'"

Kaysa kamay na bakal, nais mag-focus ni Tulfo sa rehabilitasyon ng mga may problema sa droga. Okey daw sana ang Oplan Tokhang para ma-rehabilitate sila sa paggamit, basta't maayos na nagagawa.

Idiniin din ng senatoriable na dati siyang pabor sa death penalty sa mga lumalabag sa drug laws, pero nagbago na raw ang kanyang posisyon.

"As time goes on, nakikita ko na merong problema kasi itong death penalty anti-poor 'yan," paliwanag niya pa.

"Kasi kapag mayaman ka... kaya mo mag-hire ng pinakamagagaling na mga abogado. More often than not, you will get away with it. Kapag pulube ka, pobre ka... kahit wala kang kasalanan, kulong ka at kapag minalas-malas ka... bitay... wala ka [kasing] pambayad sa abogado."

2022 NATIONAL ELECTIONS

DEATH PENALTY

RAFFY TULFO

RONALD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with