^

Bansa

Tourism frontliners handa na sa mga dayuhang turista

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Tourism frontliners handa na sa mga dayuhang turista
“Ang naiulat na pagbuti sa sitwasyon ng public health ay nagbibigay ng pag-asa sa aming tourism industry stakeholders na malubhang naapektuhan ng travel ban at border restrictions sa buong kapuluan,” sabi ni Atty. Marco Bautista, nominee at spokesman ng Ang Turismo Isulong Mo (TURISMO) Partylist.
AFP/Mark Ralston

MANILA, Philippines — Nakahanda ang industriya ng turismo na magbukas ng operasyon anumang araw na ihudyat ng pamahalaan ang “greenlight” sa pagpapapasok ng mga dayuhang turista sa bansa.

“Ang naiulat na pagbuti sa sitwasyon ng public health ay nagbibigay ng pag-asa sa aming tourism industry stakeholders na malubhang naapektuhan ng travel ban at border restrictions sa buong kapuluan,” sabi ni Atty. Marco Bautista, nominee at spokesman ng Ang Turismo Isulong Mo (TURISMO) Partylist.

Makaraan ang isang taon at siyam na buwan ng pandemya, ang industriya ng turismo ay handang-handa na dahil bakunado na rin ang “frontline” ng mga tourism workers kaugnay ng government vaccination program, pagdidiin ni Bautista.

Ayon pa kay Bautista, dagsa ang mga hinaing na bawiin na ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) ang travel ban at payagan ang pagpasok ng fully-vaccinated foreign tourists.

Sa kasalukuyang IATF guidelines, tinatanggap lamang ng Immigration authorities ang mga legal spouses ng Filipino citizens at mga Balikbayan, foreign diplomats at banyaga na may investor’s visa.

IATF

TURISMO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with