Nasimulang programa ni Duterte, Go sa VisMin itutuloy ng Bisaya Gyud
MANILA, Philippines — Naghain na ng certificate of nomination and acceptance (CONA) para sa May 2022 elections ang Bisaya Gyud partylist.
Personal na nagtungo si Victorino Garay, presidente ng Bisaya Gyud Party-list at kanilang miyembro sa Harbor Garden ng Sofitel Manila sa Pasay City kahapon.
Nangako naman ang baguhang grupo na ipaglalaban ang karapatan at kapakanan ng mga Bisaya at ipapagpatuloy ang mga nasimulang programa ni Pangulong Rodrigo Duterte at Sen. Bong Go sa rehiyon ng Visayas at Mindanao.
Plano nila na matamo ito sa pamamagitan ng isang plataporma na nakatuon sa pagtugon sa tatlong pangunahing pangangailangan ng mga Filipino at ito ay ang pagkain, tirahan at edukasyon.
Iginiit pa ni Garay na ang kakulangan ng oportunidad sa mga isla ng Visayas at Mindanao ang dahilan kaya tumakbo siya kaya napipilitan ang kanyang mga kababayan na magtungo sa Maynila o kaya ay mangibang bansa.
“Umaasa po kami na maging kabahagi ang mga kapatid nating Bisaya sa adhikaing patas na pag-unlad ng bansa, at pagsulong ng kultura, yaman, at kapasidad ng Kabisayaan,” dagdag pa ni Garay.
- Latest