^

Bansa

Pangilinan tatakbo bilang VP ni Leni Robredo sa 2022; kakandidato sa ilalim ng LP

James Relativo - Philstar.com
Pangilinan tatakbo bilang VP ni Leni Robredo sa 2022; kakandidato sa ilalim ng LP
Litrato ni Sen. Francis "Kiko" Pangilinan, ika-8 ng Oktubre, 2021, matapos maghain ng certificate of candidacy para sa pagkabise presidente ni Bise Presidente Leni Robredo
Released/Comelec

MANILA, Philippines (Updated 12:12 p.m.) — Opisyal nang kakandidato sa pagkabise presidente para sa susunod na taon si Sen. Francis "Kiko" Pangilinan, sa pagkakataong ito sa ilalim ng slate ni Bise Presidente Leni Robredo na tatakbo naman sa pagkapangulo.

Sinamahan si Pangilinan ni Robredo sa kanyang paghahain ng certificate of candidacy sa pagkabise sa Comelec, Biyernes, ang pinakahuling araw ng filing ng kandidatura.

Tatakbo sa ilalim ng Liberal Party si Pangilinan kahit na tatakbong independent ang running mate na si Leni.

"Tinanggap ko ang hamon, at ito ay tinanggap natin, hindi dahil sa katiyakan ng ating pagkapanalo kung hindi dahil sa katiyakan ng ating paninindigan at paniniwala," wika ng maluha-luhang Pangilinan sa isang press briefing matapos ang COC filing kanina.

"Tinanggap ko at ipaglalaban nang buong lakas ang hamon bilang kandidato sa pagkapangalawang pangulo kaagapay ni pangulong Leni Robredo. Sa pamamagitan ng kanyang pamumuno at sa tulong ng mga kababayang handang tumaya, handang kumilos, handang makipagtulungan, maisasaayos na natin sa wakas ang palakad ng gobyerno sa pagharap sa pandemya [ng COVID-19]."

Sa ngayon pa lang daw na hindi pa presidente si Robredo ay nakikita na kung gaano kahusay ang kanyang pagtugon laban sa COVID-19, kagutuman atbp., bagay na mas mapapahusay pa raw kung mailuluklok bilang pinuno ng republika.

Una nang inendorso ng LP si Pangilinan, presidente ng partido, sa pagkasenador sa 2022 ngunit umatras mula rito para maging katambal ni Robredo.

Matatandaang sinabi ni dating Ifugao Rep. Teddy Baguilat nitong Huwebes na tatakbo siya sa pagkasenador para humalili sa binitawang senatorial slot ni Pangilinan.

"Magbabago man ang landscape, lumaki man ang laban, hindi magbabago ang ipinaglalaban ko mula pa noong ako'y student leader pa sa UP hanggang sa ngayon," wika ng unang student regent ng Unibersidad ng Pilipinas noong 1987.

"Ganito pa rin ako, at parehong mga prinsipyo at mga pangarap ang isusulong ko bilang pangalawang pangulo ninyo."

Ilan daw sa isusulong niya oras na maupo sa pwesto ang trabaho, pabahay at maayos na kita para sa lahat, sapat na makakain ng mga Pilipino at karapatan sa COVID-19 vaccines. 

Bahagi si Pangilinan ng oposisyon ngayon sa Senado at kritiko ng ilang polisiya ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ang pwesto ng ikalawang pangulo ang hahalili sa sinumang mahahalal na presidente anuman ang mangyari sa nahuli parea hindi siya makapaglingkod.

2022 NATIONAL ELECTIONS

FRANCIS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with