‘Tunay na Pag-Kalinga sa Bayan ng Taytay’, tutugunan na
MANILA, Philippines — Isang progresibo at malaking kilusan mula sa iba’t ibang sektor sa bayan ng Taytay na handa nang tumugon sa mga problema at suliranin ng mga maralitang taga Taytay. Ito ang “Kalingang Taytay” isang political organization sa bayan ng Taytay na itinatag pa noong 2012.
Ayon kay Noli Mendoza, Pangulo ng samahan, ang layunin ng “Tunay na Pag-Kalinga sa Bayan ng Taytay” ay isulong ang tiyak na Paninirahan at Palupa para sa matatagal ng naninirahan sa bayan ng Taytay. Ito ay sa pamamagitan ng pag-akda ng mga batas, patakaran at proyektong makapagbibigay ng sapat ng pondo mula sa lokal na pamahalaan at pagpapaigting sa karapatan ng maralita. Pangungunahan ito ng kanilang mahuhusay at progresibong kandidato sa 2022 na si Bayan dela Cruz, Ram Bengco, Lito Guinal at Tobitz Cruz.
Sabi ni Mendoza, panahon na at handa na sila upang wakasan ang paghihirap ng mamamayan lalo na ang maralita nilang kababayan, na mahigit tatlong dekada ng umaasa na mapasa sa kanila ang lupang kanilang tinitirhan at inaasam, kung kaya’t ang pagsasampa ng kandidatura ng kanilang samahan ay magiging hudyat ng pag-asa at tagumpay.
- Latest