^

Bansa

VP Leni Robredo pambato na ng 1Sambayan sa pagkapangulo sa 2022

James Relativo - Philstar.com
VP Leni Robredo pambato na ng 1Sambayan sa pagkapangulo sa 2022
In this Feb. 26, 2019 photo, Vice President Leni Robredo talks during the Ka Pepe Diokno Human rights award at De La Salle University in Manila.
The STAR/KJ Rosales, File photo

MANILA, Philippines (Updated 4:28 p.m.) — Pormal nang inanunsyo ng koalisyong oposisyon na 1Sambayan ang ieendorso nila bilang standard bearer sa darating na halalang 2022, bagay na pangungunahan daw ni Bise Presidente Leni Robredo.

Ito ang iprinoklama ni dating Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio, Huwebes, pagdating sa magiging pambato ng grupo sa kanilang TAPATan 1Sambayan media forum.

"1Sambayan is pleased to announce to the nation that it has reached a decision to endorse Vice President Leni Robredo as its presidential candidate for the May 2022 elections," wika ni Carpio kanina. "1Sambayan followed a rigorous process in reaching its decision. We consulted our local and foreign chapters, as well as our coalition partners who together have over 3 million members."

Ilan sa mga criteria na pinagbatayan ng grupo ang:

  • integridad
  • competence
  • track record
  • pagkamakabayan
  • plano para sa bansa
  • posibilidad na manalo

Sa kabila nito, inaantay pa naman kung tatanggapin ni Robredo ang naturang endorsement. "We therefore ask VP Leni to accept our endorsement to lead the Filipino people in this difficult time in our history," patuloy ni Carpio.

"And we ask the Filipino people to join 1Sambayan in supporting VP Leni as the next president who will lead us in healing our nation, dividing our economy, generating employment, eliminating hunger, ending the wanton killing of fellow Filipinos, eradicating graft and corruption, defending our sovereignty and sovereign rights, strengthening our democratic institutions, upholding our civil liberties and restoring our pride and dignity as a people."

Matatandaang una nang nasali si Robredo sa anim na unang shortlist ng mga nominado ng koalisyon sa pagkapangulo o bise sa darating na taon. Kaninang umaga lang nang pangunahan ng Liberal Party member at dating Ifugao Rep. Teddy Baguilat ang napipintong pag-eendorso ng 1Sambayan kay Robredo.

Paano kung tumanggi si Leni?

Handa namang mag-recalibrate ang koalisyon sa ngayon kung mapagdesisyunan ni Robredo na 'wag tanggapin ang pagsuporta sa kanya, o kung mapili niyang tumakbo para sa ibang posisyon next year.

"In the remote possibility that she will say no, we will reconvene. The convenors of 1Sambayan will meet again," dagdag ni Carpio.

Magre-reconvene din daw at muling mag-uusap ang 1Sambayan kung mapagdesisyunan si Leni tumakbo na lang uli sa pagkabise, usap-usapang inilulutang uli kamakailan.

Pag-uusapan pa rin daw ng grupo kung sino ang maaaring ipalit sa pagkakataong tumanggi ang bise. Sasangguni rin daw sila sa kanilang regional assembly kung nagkataon.

VP nomination, senatorial slate ilalabas pa

Pipiliin naman daw ang ieendorso nila sa pagkabise presidente at senatorial slate sa pamamagitan ng mga konsultasyon kasama si Robredo (o sinumang maging pinal nilang kandidato).

Nakapagtala na rin daw ang grupo ng inisyal na listahan ng mga nais nilang patakbuhin sa pagkasenador at bise sa kanilang survey, kung kaya't magiging madali na lang daw ang pagpili kung sakali.

Posibleng mailabas na raw nila ang pinal na listahan ng mga nominado sa ilalim nila bago ang pagtatapos ng filing ng certificates of candidacy.

Nakikita nilang "full slate" ang patatakbuhin sa pagkasenador. Dalawang araw pa lang ang nakalilipas nang ilabas ng LP ang inisyal nilang 2022 senatorial lineup, bagay na kinapapalooban nina Sen. Francis "Kiko" Pangilinan, Sen. Leila de Lima, dating Sen. Bam Aquino at guest nominees na sina Sen. Risa Hontiveros (Akbayan) at human rights lawyer na si Chel Diokno.

Una nang nagpasa ang LP executive council ng resolusyong magbibigay ng "full authority" at "discretion" kay Robredo, miyembro rin ng partido, sa pagsisimula ng mga pag-uusap para makabuo ng kasunduan pagdating sa isang united national slate para sa pagkapangulo, pagkabise presidente at pagkasenador sa darating na halalaan.

Wala pa namang balita kung iisang slate lang ang ieendorso ng 1Sambayan at LP sa ngayon.

vuukle comment

1SAMBAYAN

2022 NATIONAL ELECTIONS

LENI ROBREDO

LIBERAL PARTY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with