Patay sa COVID-19 sa Pilipinas sumampa na sa 37,686
MANILA, Philippines — Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 13,846 bagong infection ng coronavirus disease, Martes, kung kaya't nasa 2,522,965 na sumatutal ang nahahawaan nito sa bansa.
Batay sa mga bagong nakalap na datos ng Kagawaran ng Kalusugan, narito ang bagong mga pasok na datos para araw na ito:
- lahat ng kaso: 2,522,965
- nagpapagaling pa: 132,139, o 5.2% ng total infections
- bagong recover: 39,980, dahilan para maging 2,353,140 na lahat ng gumagaling
- kamamatay lang: 91, na siyang nag-aakyat sa total local death toll sa 37,686
COVID-19 vaccine para sa minors, general population
-
Gugulong na ang pagbabakuna sa nalalabing bahagi ng populasyon, pati na sa mga menor de edad, laban sa COVID-19 simula Oktubre. Gayunpaman, hindi pa malinaw kung para ito sa lahat ng 12-17 taong gulang o para sa mga batang may comorbidities pa lang.
-
Kanina lang nang sabihin ni presidential spokesperson Harry Roque na maaaring simulan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pag-oobliga ng COVID-19 vaccination para sa mga nagtratrabaho sa gobyerno. Gayunpaman, kakailanganin daw ng bagong batas para sa mandatory na pagpapabakuna.
-
Matapos iulat ng DOH nitong Lunes na 93 lang ang namatay sa COVID-19, inilinaw ng kagawaran na kulang pa ito ng 102. Nasa 195 talaga ang COVID-19 death toll na ibinigay ng DOH sa media kahapon bago nila ito irebisa, para lamang ibalik ito sa orihinal na bilang.
-
Humataw naman na sa 20.58 milyon ang nakakukuha ng kumpletong COVID-19 vaccines sa Pilipinas sa pinakahuling tala ng gobyerno. Parte lamang 'yan ng kabuuang 44.36 milyon doses na naiturok ng gobyerno sa bansa.
-
Umabot na sa 231.7 milyon ang tinatamaan ng COVID-19 sa buong daigdig, ayon sa huling datos ng World Heath Organization. Sa bilang na 'yan, patay na ang 4.74 milyong katao.
— James Relativo
- Latest