^

Bansa

Hugpong para kay Sara humataw sa Pangasinan

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Hugpong para kay Sara humataw sa Pangasinan
Sa isang show of force na naglalayong kumbinsihin ang reluctant presidential frontrunner na magbago ng isip, nagpahayag ng suporta ang lokal na HPS chapter mula sa 44 na munisipalidad at apat na siyudad sa Pangasinan para maipagpatuloy ni Mayor Sara Duterte ang mga matagumpay na programa ni Pangulong Rodrigo Duterte at maging ang sarili nitong programa.
Mong Pintolo, file

MANILA, Philippines — Muling umarangkada ang Hugpong Para Kay Sara (HPS) o grupong nananawagan para tumakbo si Davao City Mayor Sara Duterte sa Panguluhan nang manumpa ang mga kilalang politiko ng Pa­ngasinan bilang kasapi ng grupo sa isang oath-taking na isiginawa sa WCC Aeronautical and Technological College.

Sa isang show of force na naglalayong kumbinsihin ang reluctant presidential frontrunner na magbago ng isip, nagpahayag ng suporta ang lokal na HPS chapter mula sa 44 na munisipalidad at apat na siyudad sa Pangasinan para maipagpatuloy ni Mayor Sara ang mga matagumpay na programa ni Pangulong Rodrigo Duterte at maging ang sarili nitong programa.

Naunang nagdeklara si Mayor Sara na hindi na siya tatakbo sa Panguluhan matapos tanggapin ng kanyang ama ang alok na tumakbo itong bise-presidente.

Pinangunahan ang mass oath-taking ni newly-inducted HPS Pangasinan chapter officials at Bayambang Mayor Cezar T. Quiambao, president; Binalonan mayor Ramon Guico, Jr., VP for finance; Vici Ventanilla, VP for operations; Von Mark Mendoza, VP for external affairs; at Darwina Sampang, secretary at spokesperson.

Sinabi ni HPS national chairman at dating Davao del Norte Gov. Anthony del Rosario, umaasang tatakbo si Mayor Sara sa Panguluhan, na “once she sees the growing groundswell of support for her leadership happening all over the country.”

Pinuri naman ni Guico, tatakbong gobernador ng Pangasinan, ang mahusay na liderato ni Sara.

Sa kanyang parte, kinilala naman Quiambao ang prinsipyadong liderato ni Sara pagdating sa malalaking desisyon para sa kapakinabangan ng kanyang constituents.

HPS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with