Babae, batang refugees prayoridad papasukin sa Pinas – Duterte
MANILA, Philippines — Prayoridad na papasukin sa bansa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga babae at batang refugees mula sa bansang Afghanistan at Rohingya.
Sa talumpati ni Duterte sa United Nations General Assembly, sinabi niya na inatasan na niya ang Department of Justice (DOJ) na makipag-ugnayan sa United Nations High Commissioner for Refugees para maihanda na ang cooperation program sa mga Rohingyas.
Matatandaan na mayroon nang mga refugee mula sa Afghanistan ang tinanggap na ng Pilipinas kamakailan.
Sa kabila nito, inamin naman ng Pangulo na bagama’t limitado lang ang resources ng Pilpinas ay maari naman itong paghati-hatian ng mga bansa sa mundo alang-alang sa sangkatauhan at pagbibigay dignidad sa mga refugees.
Ang pagtanggap sa mga refugees ay bahagi ng matagal nang humanitarian tradition ng Pilipinas para sa mga mamamayan na naiipit sa gulo sa kanilang mga bansa at nangangailangan ng pagkalinga at pagkupkop.
- Latest