^

Bansa

Ilang private schools posible iobliga COVID-19 vaccination ng mga guro

James Relativo - Philstar.com
Ilang private schools posible iobliga COVID-19 vaccination ng mga guro
Staff of Dagat Dagatan Elementary School in Navotas City prepare the classroom and other materials needed on Sept. 16, 2021 once the government allows the resumption of face-to-face classes.
The STAR / Geremy Pintolo

MANILA, Philippines — Tinitignan ngayon ng isang asosasyon ng 2,500 pribadong paaralan ang pagre-require ng COVID-19 vaccination para sa kanilang mga guro sa muling pagbabalik ng harapang mga klase sa gitna ng pandemya.

Ika-20 kasi ng Setyembre nang ianunsyo ni presidential spokesperson Harry Roque at ng Department of Education (DepEd) ang pilot implementation ng face-to-face classes sa mga low-risk areas pagdating sa virus, bagay na aprubado ni Pangulong Rodrigo Duterte.

"'Pag titignan po natin 'yung ibang sectors... 'yung mga dine-in ng restaurants, nire-require po na fully-vaccinated 'yung mga gagamit po ng mga establishments," wika ni Coordinating Council of Private Educational Associations of the Philippines (COCOPEA) managing director Joseph Noel Estrada, Martes, sa panayam ng state-run media.

"I think we can also use that standard, lalong-lalo na po sa aming sa private schools dahil mataas po 'yung demand din po sa amin, 'yung amin pong responsibility and accountability sa amin pong estudyante at mga magulang dahil nga po sila ay nagbabayad nga po ng tuition."

Ika-5 lang ng Agosto nang sabihin ng DOH na ipinagbabawal ang "no vaccine, no work" policy. Nasa Department of Labor and Employment Advisory 03 Series of 2021 daw kasi na maaari lang hikayatin ng employers ang pagpapabakuna ngunit hindi dapat pagmulan ng diskriminasyon sa ayaw pa sa mga lugar ng trabaho.

Dagdag pa ng Republic Act 11525, hindi dagdag rekisitos ang vaccine card, na nakukumpleto matapos ang full-vaccination, para sa mga naghahanap ng trabaho.

 

 

Aabot sa 20 private schools ang inaasahang sasabak sa unang pagbabalik ng limitadong pisikal na pag-aaral ng mga bata sa mga silid-aralan. Kasama ito sa maximum na 100 eskwelahan na papayagang maglunsad ng mga klase sa mga eryang kakaonti ang COVID-19 infections.

Sa kabila nito, wala pa raw natatanggap na listahan ang COCOPEA ng mga paaralang lalahok sa unang serye ng face-to-face learning.

"Sa palagay ko po, importante po itong vaccination ng ating mga teachers kasi 'yan din po ang unang-unang tinatanong ng mga magulang kung kanila pong papayagan nang bumalik sa mga schools, sa mga eskwelahan ang kanilang mga anak," saad pa ni Estrada.

"Mahalaga ho 'yon, vaccinated 'yung ating mga teachers. 'Yan din po ang ipinatutupad ng karamihan ng mga private schools."

Una nang sinabi nina Roque at Education Secretary Leonor Briones na isa ang written consent ng mga magulang sa mga kakailanganin bago makapaglunsad ng harapang mga klase sa isang paraalan. 

Dahil boluntaryo ang paglahok sa pilot implementation nito, ipinaliwanag naman ni Estrada na posibleng magkakaroon ng parehong face-to-face at distance learning sa iisang paaralan para sa mga magulang na hindi papayag isuong sa peligro ang mga anak,

Dagdag pa ng COCOPEA, mataas naman ang vaccination rate at acceptability ng bakuna sa hanay ng kanilang mga kaguruan, lalo na sa kanilang mga miyembro.

DepEd: Teachers pwede kahit hindi bakunado

Bagama't idinidiin ng grupo ang kalalagahan ng COVID-19 vaccination sa hanay ng private teachers, pwedeng magturo ang mga unvaccinated teachers sa mga bata.

Dahil diyan, pinagmumulan tuloy ng takot ng ilang sektor ang pag-eexpose sa kanilang mga anak (na bawal pang bakunahan) sa mga adult population na mas mobile ngayong pandemya.

"Kung mga teachers natin, mga staff, na 65 years old and below, kung walang comorbidities pwede silang sumali sa programa, pwede silang mag-serve regardless of their vaccination status," ani Briones kahapon.

"This is because of the human rights declaration... tungkol sa right of individuals concerning their health. Pero pag-ingatan natin ito nang husto."

Sa huling ulat ng DOH nitong Lunes, umabot na sa 2.38 milyon ang tinatamaan ng COVID-19 sa Pilipinas. Patay naman na ang 36,934 sa bilang na 'yan.

COCOPEA

COVID-19 VACCINE

DEPARTMENT OF EDUCATION

LEONOR BRIONES

NOVEL CORONAVIRUS

PRIVATE SCHOOLS

TEACHERS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with