^

Bansa

Duterte 'guilting-guilty' kung ayaw paimbestigahan drug war sa ICC — grupo

James Relativo - Philstar.com
Duterte 'guilting-guilty' kung ayaw paimbestigahan drug war sa ICC — grupo
Litrato ni Pangulong Rodrigo Duterte habang nakikipagpulong sa mga miyembro ng Inter-Agency Task Force on the Emerging Infectious Diseases (IATF-EID), ika-15 ng Setyembre, 2021
Presidential Photos/Karl Alonzo

MANILA, Philippines — Iisa lang ang ibig sabihin kung haharangin ng gobyerno ng Pilipinas ang napipintong International Criminal Court investigation sa "human rights violations" kaugnay ng extrajudicial killings sa Pilipinas — guilty ang Pangulong Rodrigo Duterte, ayon sa isang grupo.

Ito ang reaksyon ng Bayan Muna party-list sa pag-apruba ng ICC sa isang "full investigation" sa madugong war on drugs ng gobyerno, bagay na patuloy tinututulan ng Malacañang hanggang sa ngayon.

"If he refuses to allow ICC investigators into the country, in the same way that he wants to stop the Senate investigation of the over-priced Pharmally transaction, it is reasonable for the people to conclude one thing—he is guilty," ani Bayan Muna chair Neri Colmenares, Huwebes.

"Pres. Duterte claims that he is not responsible for the thousands of deaths that took place under his anti-drug campaigns in Davao when he was mayor and in the entire country when he became president. Then he should not be afraid of an ICC investigation."

Isa ngayon sa mga idinadahilan ng Palasyo sa pagharang at hindi pakikipag-ugnayan sa ICC ay ang pagkalas ng Pilipinas sa korte noong Marso 2019. Maliban diyan, gumagana naman daw ang mga lokal na korte kung kaya't 'di na kailangan ng pangingialam ng mga dayuhan.

Gayunpaman, ilang legal experts at human rights organization na ang nagsasabing pwedeng imbestigahan para sa "crimes against humanity" ang Pilipinas magmula noong maging opisyal itong miyembro ng ICC hanggang sa pagtatapos nito dalawang taon na ang nakalilipas.

Labis namang ikinatuwa nina Colmenares at kanyang grupo ang desisyon ng ICC pre-trial chamber na ituloy ang pag-iimbestiga sa mga EJKs sa Pilipinas, habang hinihikayat silang magpadala ng mga imbestigador sa Pilipinas, para na rin direktang makapagbigay ng personal na testimonya ang mga saksi at mga naulilang pamilya.

Sa pinakahuling datos ng Philippine Drug Enforcement Agency, lumalabas na 6,181 na ang namamatay na tao sa anti-drug operations mula Hulyo 2016 hanggang ika-31 ng Hulyo 2021.

Gayunpaman, sinasabi ng human rights groups at preliminary investigation ni dating ICC Prosecutor Fatou Bensouda na maaaring mas mataas pa ito sa bilang na 12,000 hanggang 30,000, habang hindi raw nabibigyan ng due process ang mga suspek.

"We also call on whistle blowers in the Duterte administration to also testify in the ICC investigation and clear your conscience. Thousands of people were killed under Pres. Duterte in front of many witnesses and we are confident that there will be witnesses who can testify," dagdag naman ni House Deputy Minority leader Rep. Carlos Isagani Zarate kanina.

"We are sure that Pres. Duterte will be convicted should a trial take place... We reiterate our challenge to Pres. Duterte, if you have nothing to hide then allow the ICC investigation to be conducted in the Philippines and also present your evidence to the ICC."

Roque: Duterte mamamatay nang hindi haharap sa ICC judges

Patuloy naman sa pagmamatigas ngayong araw ang Palasyo na wala silang pakialam sa desisyon ng ICC. Aniya, malaya silang gawin kung ano ang nais nila, pero wala silang maaasahang koordinasyon mula sa pamahalaang Duterte.

"Wala po, wala pong reaksyon ang presidente [sa paparating na ICC investigation] dahil sa mula't mula niyan, sinasabi niya na siya'y mamamatay muna bago siya haharap sa mga dayuhang mga huwes," wika ni presidential spokesperson Harry Roque sa isang press briefing kanina.

"Kung merong reklamo, dapat dito isampa sa Pilipinas dahil ang ating mga hukuman ay gumagana. At ang korte ng ICC ay walang hurisdiksyon. Pwede lang siyang umakto sa mga kaso kung ang mga hukuman natin ay hindi gumagana o 'di naman kaya ay unwilling na magkaroon ng mga jurisdiction sa mga kaso."

Dagdag pa nio Roque, na isang dating human rights lawyer, sinabi na rin daw noon ng ICC pre-trial chamber na hindi na dapat ituloy ang mga imbestigasyong hindi magkakaroon ng matagumpay na prosekusyon. Pagsasayang lang daw ito ng oras at rekurso ng international court.

Noong partido pa sa Rome Statute, ang tratadong bumuo ng ICC, ang Pilipinas, klaro naman daw na hindi isinuko ng Maynila ang soberanya nito at kanilang hurisdiksyon.

Mahaba na ang kasaysayan ng Pilipinas sa pag-iimbestiga sa mga reklamong gaya ng genocide, war crimes, crimes against humanity at crime of aggression sa ilang bansa sa Africa kahit na hindi nakikipag-coordinate ang mga gobyerno nito sa ICC.

'Mga biktima, pamilya, 100% makikipag-ugnayan'

Tiniyak naman ng National Union of People's Lawyers (NUPL) at Rise Up ang buong kooperasyon ng mga biktima, pamilya at support groups sa paparating na imbestigasyon ng ICC.

Pagdidiin pa nila, "mayor" na hakbang ito para makamit ang katarungan para sa mga biktima ng pagpatay, torture, pagmamalabis, pang-aabuso at pagdukot ng mga takot sa Pilipinas mula Nobyembre 2011 hanggang 2019.

"The decision affirms that illegal and inhumane activities have been committed in the name of this 'war,' and gives key points that the Office of the Prosecutor (OTP) should clarify - what other crimes have been committed, how are the Davao killings from 2011-2016 related to those nationwide from 2016 onwards," sabi ng kanilang statement.

"We reiterate our commitment to the investigation and the OTP, to provide information and evidence that will lead to a determination of persons most responsible for these dastardly crimes against humanity."

Dagdag pa nila, plano nila at ng mga pamilyang i-bypass ang pagtanggi ni Duterte sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga orihinal at authenticaed evidence, documentary, testimonial at kahit object evidence na siyang kailangan para makabuo ng pinakamalakas na kaso.

Ikinatuwa rin ng human rights group na Karapatan ang panibagong turn of events.

Aniya, nire-reaffirm ng pananaw ng Chamber na ang mga atake sa karapatang pantao ay malaganap at sistematiko, bagay na sumasalamin din daw sa pananaw ng mga biktima at kanilang mga naulila.

"Duterte and his cohorts should be made accountable for these crimes," wika ni Cristina Palabay, secretary general ng Karapatan, kahapon.

BAYAN MUNA PARTY-LIST

EXTRAJUDICIAL KILLINGS

HARRY ROQUE

HUMAN RIGHTS

INTERNATIONAL CRIMINAL COURT

KARAPATAN

NATIONAL UNION OF PEOPLE'S LAWYERS

RODRIGO DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with