Roque asar sa pagpalag ng UP officials sa kanyang int'l law body nomination
MANILA, Philippines — Bad trip si presidential spokesperson Harry Roque sa ilang opisyales mula sa University of the Philippines - Diliman matapos pagtaasan ng kilay ng nabanggit ang posibile niyang pagkakapasok sa isang prestihiyosong international law body.
Martes nang maglabas ng maaanghang na birada ang UPD executive committee kung bakit hindi dapat makakuha ng seat sa International Law Commission si Roque dahil sa kanyang "poor track record" sa pagtatanggol ng human rights sa ilalim ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Aniya, malinaw daw na may ilang mga sektor na gagawin ang lahat yurakan lang ang kanyang pangalan at integridad dahil salungkat siya sa kanilang pulitikal na paniniwala.
"The UP Diliman Executive Committee states that their objection is based on my 'poor track record of promoting, defending and fulfilling human rights and the rule of law, especially during the administration of President Duterte.' I wish to challenge this assessment because it is untrue," sabi ng dating human rights lawyer na tagapagsalita na ni Digong, na laging binabanatan ang human rights groups.
"For over 30 years, I have been an advocate of human rights, having spent most of my professional life as a member of civil society and as a public interest lawyer representing persons and sectors who have needed to be championed."
Ipinagmalaki ni Roque ang pagtatanggol niya sa mga naulila ng 19 journalists na napatay sa Ampatuan massacre. maliban pa sa pagiging counsel ng pamilya ng pinatay na transwoman na si Jennifer Laude, mangingisda sa Panatag Shoal, World War II comfort women atbp.
Maliban diyan, malaki raw ang kanyang nagawa sa pagtataguyod ng karapatang pantao sa pagpapasa ng Universal Health Care Law, Irrigation Service Act, HIV Policy Law, atbo. kung saan isa siya sa mga principal authors bilang representante ng Kabayan party-list.
"It is very disheartening to have my nomination to the International Law Commission politicized, especially considering that the ILC itself is not a political body," dagdag ni Roque, habang iginigiit na "binubura" ng UP administrators ang 30-taon niyang pagseserbisyo.
"Rather, it is an expert group of people who have the necessary credentials and experience in public international law needed to codify customary international law and develop the same. My curriculum vitae speaks for itself regarding my credentials in the field of public international law."
Tagapagsalita ng 'human rights violator'
Bagama't mahaba ang kasaysayan ni Roque sa pagtataguyod ng karapatang pantao, spokesperson siya ngayon ni Duterte — na kilala sa red-tagging ng mga ligal na aktibista, pagsabing dapat "barilin" ang mga ayaw sumunod tuwing quarantine, pag-amin sa "panghihipo" ng kasambahay, atbp.
Hunyo lang din nang sabihin ni Roque na hindi makikipagtulungan ang Pilipinas sa posibleng imbestigasyon ng International Criminal Court sa "crimes against humanity" ni Duterte kaugnay ng madugong war on drugs at extrajudicial killings.
Dati na ring sinabi ni Digong, kung saan nagsisilbi siya bilang miyembro ng Gabinete, na "dapat barilin sa puke" ang mga babaeng miyembro ng rebeldeng New People's Army.
"The UP Diliman Executive Committee, at its 314th meeting held on 13 September 2021, resolts that it opposes the nomination of former UP faculty member Atty. Herminio 'Harry' L. Roque, Jr. to the International Law Commission," wika ng UP officials kamakailan.
"[H]is inclusion in the Commission would not serive its purposes but instead diminish the reputation of the body."
Statement of the UP Diliman Executive Committee on the Nomination of Atty. Herminio “Harry” L. Roque, Jr. to a Seat in the International Law Commission pic.twitter.com/YaLbqMcdQO
— UP Diliman (@Official_UPD) September 14, 2021
Bukod sa UP executive committee, tutol na rin sa ngayon ang National Union of People's Lawyers at Free Legal Assistance group ang nominasyon ni Roque.
Ilang araw pa lang ang nakalilipas nang maging sentro ng kontrobersiya si Roque dahil sa kanyang paninigaw ng mga doktor sa pulong ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases, matapos na manawagan ng huli mas mahihigpit na lockdowns buhat ng patuloy na pagtaas ng COVID-19 cases sa bansa.
- Latest