^

Bansa

Signal no. 4 inanunsyo sa northeastern Babuyan Islands dahil kay 'Kiko'

James Relativo - Philstar.com
Signal no. 4 inanunsyo sa northeastern Babuyan Islands dahil kay 'Kiko'
Ayon sa PAGASA, namataan ang mata ng Typhoon "Kiko" 190 kilometro silangan ng Aparri, Cagayan bandang 4 p.m. ng Biyernes.
RAMMB

MANILA, Philippines — Lalo pang tumindi ang bagyong "Kiko" habang inilalagay nito ang dulong Hilagang Luzon sa peligro, pag-uulat ng state weather bureau ngayong hapon.

Ayon sa PAGASA, namataan ang mata ng Typhoon Kiko 190 kilometro silangan ng Aparri, Cagayan bandang 4 p.m. ng Biyernes.

  • Lakas ng hangin: 215 kilometro kada oras malapit sa gitna
  • Bugso ng hangin: aabot hanggang 265 kilometro kada oras
  • Direksyon: hilagangkanluran
  • Bilis ng pagkilos: 15 kilometro kada oras

Ngayong araw hanggang bukas ng gabi, tinatayang magdadala ang bagyong "Kiko" ng:

  • malalakas hanggang matitinding ulan na may minsang "torrential rains" sa northeastern portion ng Cagayan, kasama ang Babuyan Islands at Batanes.
  • malalakas hanggang matitinding pag-ulan sa hilagang Islabela at nalalabing bahagi ng Cagayan
  • katamtaman hanggang malalakas na may minsanang matitinding pag-ulan sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, hilaga at gitnang Aurora at nalalabing bahagi ng Cagayan Valley

"Under these conditions, scattered to widespread flooding (including flash floods) and rain-induced landslides are possible especially in areas that are highly or very highly susceptible to these hazard as identified in hazard maps," babala ng state meteorologists sa isang pahayag.

"Typhoon 'KIKO' will continue to enhance the Southwest Monsoon, bringing monsoon rains over the western section of Southern Luzon and Western Visayas in the next 24 hours."

Hindi pa rin naman inisasantabi ang posibilidad ng pagsalpok ng bagyo a northeastern portion ng Cagayan sa ngayon.

Signal no. 4 inanunsyo ng gobyerno

Inanunsyo naman ang ilang Tropical Cyclone Wind Signals kaugnay pa rin ng pananalasa ng naturang bagyo:

Signal no. 4

  • hilagangsilangang bahagi ng Babuyan Islands

Sinasabing "very destructive typhoon-force winds" ang nararanasan o nag-aantay sa nasabing lugar sa susunod na 18 oras.

"Winds may reach typhoon-force strength between 171 and 220 km/h in strength within any of the areas where Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) #4 is hoisted during the passage of the typhoon," dagdag pa ng PAGASA.

"This may cause generally heavy to very heavy damage to structures and vegetation."

Signal no. 3

  • dulong hilagangsilangang bahagi ng Cagayan (Santa Ana, Gonzaga)
  • nalalabing bahagi ng Babuyan Islands
  • Batanes

Mapaminsalang typhoon-force winds naman ang umiiral o maaasahan sa mga nabanggit o sa susuonod na 18 oras.

Signal no. 2

  • hilaga, gitna at silangang bahagi ng mainland Cagayan (Aparri, Camalaniugan, Lal-Lo, Gattaran, Baggao, Peñablanca, Buguey, Santa Teresita, Tuguegarao City, Iguig, Amulung, Alcala, Allacapan, Lasam, Ballesteros, Abulug)
  • hilagangsilangang bahagi ng Isabela (San Pablo, Maconacon, Divilacan, Palanan)
  • hilagangsilangang bahagi ng Apayao (Flora, Santa Marcela, Luna, Pudtol)

Damaging "gale-force" hanggang "storm-force" winds naman ang umiiral na o mararanasan sa mga nabanggit na lugar sa loob ng 24 oras.

Signal no. 1

  • nalalabing bahagi ng mainland Cagayan
  • silangang bahagi ng Ilocos Norte Ilocos Norte (Pagudpud, Adams, Dumalneg, Bangui, Vintar, Carasi, Nueva Era, Burgos, Pasuquin, Bacarra, Laoag City, Piddig, Solsona, Dingras, Sarrat, San Nicolas)
  • nalalabing bahagi ng Apayao
  • hilagang Kalinga (Balbalan, Pinukpuk, City of Tabuk, Rizal)
  • hilagang bahagi ng Mountain Province (Paracelis)
  • hilagangsilangang bahagi ng Abra (Tineg, Lacub, Malibcong)
  • hilagangkanluran at timogsilangang bahagi ng Isabela (Santa Maria, Quezon, Mallig, Roxas, San Manuel, Cabatuan, Aurora, City of Cauayan, Angadanan, San Guillermo, Dinapigue, San Mariano, Cabagan, Santo Tomas, Delfin Albano, Tumauini, Quirino, Burgos, Gamu, Ilagan City, Luna, Reina Mercedes, Naguilian, Benito Soliven)
  • hilagang bahagi ng Aurora (Dilasag, Casiguran)

Malalakas na ihip ng hangin naman ang kasalukuyan nang mararanasan o mararanasan ng mga nabanggit na erya sa susunod na 36 oras.

"Further intensification into Super Typhoon is not ruled out. Thus, TCWS #5 may be the highest wind signal that will be hoisted for this typhoon," dagdag pa ng weather bureau.

Lalabas ang bagyo sa Philippine area of responsibility sa Linggo ng gabi o Lunes ng umaga.

BABUYAN ISLANDS

KIKO

PAGASA

TYPHOON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with