^

Bansa

Medical board exam sa Metro Manila kanselado

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagdesisyon ang Professional Regulation Commission (PRC) na kanselahin na ang pagsa­sagawa ng Physicians Licensure Examination (PLE) ngayong buwan sa Metro Manila kasunod ng mga panawagan ng mga mag-aaral na ipagpaliban ito.

Inihayag ito ng PRC sa kanilang Facebook account ngunit hindi na binanggit ang dahilan nito. 

Itinakda ang pagsusulit ngayong darating na September 11, 12, 18 at 19 sa Metro Manila.  Kasabay nito ang eksaminasyon sa ibang lugar kabilang ang Baguio, Cagayan de Oro, Cebu, Davao, Iloilo, Legaspi, Lucena, Tacloban, Tuguegarao, at Zamboanga na magpapatuloy naman.

Una nang nanawagan ang Philippine Medical Students Association ay National Union of Students of the Philippines sa PRC na kanselahin ang pagsusulit sa Metro Manila dahil sa malaking pagtaas ng kaso ng COVID-19 dulot ng Delta variant.

Bukod sa PLE, kanselado rin ang Qualifying Assessment for Foreign Medical Professionals (QAFMP) na nakatakda ngayong Setyembre 13 at 20.

Sa anunsyo, maaring kumuha ng pagsusulit ang mga aplikante sa susunod na iskedyul ng PLE at hindi na sisingilin ng panibagong examination fees.

BOARD EXAM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with