^

Bansa

'Jolina' tinutumbok ang Bataan habang Typhoon Kiko tuloy sa paglakas

James Relativo - Philstar.com
'Jolina' tinutumbok ang Bataan habang Typhoon Kiko tuloy sa paglakas
Makikita sa satellite image na ito ang larawan ng Tropical Storm Jolina at Typhoon Kiko
RAMMB

MANILA, Philippines — Habang humihina ang bagyong "Jolina" at naging tropical storm na lang, patungo naman ito ngayon sa probinsya ng Bataan habang patuloy namang nag-iipon ng lakas ang Typhoon Kiko sa pagkilos nito sa Philippine Sea.

Bandang 4 p.m. nang mamataan ng PAGASA ang gitna ng Tropical Storm Jolina sa Manila Bay, o 135 kilometro timog ng Sangley Pt, Cavite.

  • Lakas ng hangin: 85 kilometro kada oras malapit sa gitna
  • Bugso ng hangin: aabot hanggang 115 kilometro kada oras
  • Direksyon: pahilagangkanluran
  • Bilis ng pagkilos: 10 kilometro kada oras

Samantala, namatyagan din ang mata ng Typhoon Kiko 1,020 kilometro silangan ng Central Luzon sa parehong oras.

  • Lakas ng hangin: 175 kilometro kada oras malapit sa gitna
  • Bugso ng hangin: aabot hanggang 215 kilometro kada oras
  • Direksyon: kanluran timogkanluran
  • Bilis ng pagkilos: 20 kilometro kada oras

Kaugnay ng bagyong "Jolina," nakataas pa rin ang sumusunod na Tropical Cyclone Wind Signals sa iba't ibang bahagi ng Pilipinas:

Signal no. 2

  • hilagang bahagi ng Oriental Mindoro (Puerto Galera, San Teodoro, Baco, City of Calapan), the northern portion of Occidental Mindoro (Abra de Ilog, Paluan, Mamburao, Santa Cruz) kasama ang Lubang Islands
  • gitnang bahagi ng Quezon (Infanta, Real, Mauban, Sampaloc, Lucban, City of Tayabas, Lucena City, Sariaya, Candelaria, Dolores, Tiaong, San Antonio, Pagbilao)
  • Batangas
  • Cavite
  • Laguna
  • Rizal
  • Metro Manila
  • timog bahagi ng Bulacan (Pandi, Bulacan, Marilao, Calumpit, Norzagaray, Plaridel, Santa Maria, Balagtas, Bocaue, Bustos, City of Malolos, Angat, Obando, City of San Jose del Monte, Pulilan, City of Meycauayan, Hagonoy, Paombong, Guiguinto, San Rafael, Baliuag)
  • Pampanga
  • Bataan
  • Zambales
  • Tarlac

Dahil diyan, umiiral na ngayon o maaasahan sa loob ng 24 oras ang mga mapaminsalang "gale-force" hanggang "storm-force winds."

Signal No. 1

  • Marinduque
  • La Union
  • timog bahagi ng Benguet (Sablan, Tublay, Bokod, La Trinidad, Baguio City, Itogon, Tuba, Kapangan, Atok)
  • timog bahagi ng Nueva Vizcaya (Alfonso Castaneda, Dupax del Norte, Dupax del Sur, Aritao, Santa Fe, Kayapa)
  • timog bahagi ng Aurora (Baler, Maria Aurora, San Luis, Dingalan)
  • Pangasinan
  • Nueva Ecija
  • nalalabing bahagi ng Bulacan
  • hilaga at timog bahagi ng Quezon (Padre Burgos, Agdangan, Unisan, Gumaca, Atimonan, Plaridel, Pitogo, Macalelon, Quezon, Alabat, Perez, General Nakar) kasama ang Polillo Islands
  • gitnang bahagi ng Oriental Mindoro (Naujan, Victoria, Socorro, Pola, Pinamalayan, Gloria, Bansud)
  • gitnang bahagi ng Occidental Mindoro (Sablayan)

"In the next 24 hours, heavy to intense will be experienced over Bataan, Cavite, Occidental Mindoro, and Oriental Mindoro," saad pa ng pag-asa sa isang pahayag.

"Moderate to heavy with at times intense rains are also likely over the rest of Central Luzon and CALABARZON. Light to moderate with at times heavy rains over Metro Manila, Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, and Cagayan Valley."

Posible tuloy sa ngayon ang kalat-kalat hanggang laganap na pagbaha at pagguho ng lupa na maaaring makaapekto sa mga lugar na madalas maranas nito ayon na rin sa mga hazard maps.

Patuloy namang kikilos ang Tropical Storm Jolina pa-hilagangkanluran sa bunganga ng Manila Bay bago uli mag-landfall sa Bataan ngayong hapon o gabi.

Signal No. 4 posible kay 'Kiko'

Katamtaman hanggang mataas naman ang posibilidad na magtaas ng storm signal warning buhat ng Typhoon Kiko, lalo na sa mga probinsya ng Northern Luzon.

Maaaring pinakamatataas na signal levels ang ianunsyo sa bahagi ng Extreme Northern Luzon dahil diyan.

"These wind signals may be hoisted for these localities beginning tonight or tomorrow morning," sabi pa ng PAGASA.

"The highest possible wind signal that may be hoisted for this tropical cyclone is TCWS #4."

Inaasahang tuloy-tuloy ang pagtindi ng typhoon hanggang Sabado dahil sa mga paborableng environmental conditions. Dagdag pa ng state weather bureau, hindi malayong maabot nito ang peak intensity na 185 hanggang 205 kilometro kada oras habang kumikilos sa ibabaw ng Northern Luzon.

JOLINA

KIKO

PAGASA

TROPICAL STORM

TYPHOON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with