^

Bansa

7 lugar Signal No. 3 dahil sa 'Jolina'; Mga residente ng Visayas inilikas sa baha

James Relativo - Philstar.com
7 lugar Signal No. 3 dahil sa 'Jolina'; Mga residente ng Visayas inilikas sa baha
Makikitang inililikas ng Philippine Coast Guard ang ilang residente ng Sitio Owak, Barangay San Isidro, Ormoc City, Leyte, ika-7 ng Setyembre, dahil sa mga pagbahang dulot ng Typhoon Jolina
Released/Philippine Coast Guard

MANILA, Philippines — Muling nag-landfall sa Dimasalang, Masbate ang bagyong "Jolina," na kasalukuyang nasa typhoon category na, ayon sa state weather bureau.

Bandang 10 a.m. nang mamataan ng PAGASA ang mata ng bagyo sa kalugaran ng Dimasalang, Masbate.

  • Lakas ng hangin: 120 kilometro kada oras
  • Bugso ng hangin: aabot hanggang 150 kilometro kada oras
  • Direksyon: kanluran hilagangkanluran
  • Bilis ng pagkilos: 15 kilometro kada oras

"Destructive typhoon-force winds are likely to occur within any of the areas where Tropical Cyclone Wind Signal #3 is in effect. This may bring generally moderate to heavy damage to structures and vegetation," ayon sa PAGASA sa isang pahayag kanina.

Narito naman ang mga ibinabang Tropical Cyclone Wind Signal sa mga sumusunod na lugar bilang epekto ng naturang bagyo sa bansa:

Signal No. 3 (mapaminsalang typhoon-force winds ngayon o sa loob ng 18 oras)

  • dulong timog bahagi ng Quezon (San Francisco, San Narciso, San Andres, Mulanay, Buenavista, Catanauan)
  • Masbate including Ticao at Burias Islands
  • kanlurang bahagi ng Albay (Pio Duran, City of Ligao, Oas, Libon, Jovellar)
  • kanlurang bahagi ng Sorsogon (Matnog, Bulan, Magallanes, Pilar, Castilla, Donsol)
  • hilagangkanlurang bahagi ng Samar (Calbayog City, Tagapul-An, Santo Niño, Almagro)
  • dulong kanlurang bahagi ng Northern Samar (San Antonio, Capul, San Vicente, San Isidro)
  • hilagang bahagi ng Biliran (Maripipi)

Signal No. 2 (mapaminsalang 61-120 gale-force winds ngayon o hanggang 24 oras)

  • gitna at katimugang bahagi ng Quezon (Real, Mauban, Sampaloc, Lucban, City of Tayabas, Sariaya, Candelaria, Dolores, Tiaong, San Antonio, Lucena City, Pagbilao, Atimonan, Padre Burgos, Agdangan, Unisan, Plaridel, Gumaca, Pitogo, Macalelon, General Luna, Lopez, Guinayangan, Calauag, Quezon, Alabat, Perez, Tagkawayan)
  • katimugang bahagi ng Batangas (Padre Garcia, Rosario, San Juan, Lobo, Taysan)
  • kanlurang bahagi ng Camarines Norte (Capalonga, Jose Panganiban, Labo, San Vicente, San Lorenzo Ruiz, Santa Elena)
  • kanluran at katimugang bahagi ng Camarines Sur (Del Gallego, Lupi, Ragay, Libmanan, Sipocot, Cabusao, Pasacao, Pamplona, Gainza, Camaligan, Canaman, Magarao, Bombon, Naga City, Pili, Ocampo, Iriga City, Sagñay, Buhi, Milaor, San Fernando, Minalabac, Bula, Nabua, Baao, Balatan, Bato, Calabanga)
  • Marinduque
  • nalalabing bahagi ng Albay
  • nalalabing bahagi ng Sorsogon
  • silangang bahagi ng Romblon (Cajidiocan, Magdiwang, San Fernando, Romblon, Corcuera, Banton, Concepcion)
  • kanlurang bahagi ng Northern Samar (Lavezares, Allen, Victoria, Rosario, San Jose, Bobon, Catarman, Lope de Vega, Mondragon, San Roque, Pambujan, Silvino Lobos, Biri)
  • hilagang bahagi ng Samar (Santa Margarita, Gandara, San Jose de Buan, Matuguinao, San Jorge, Pagsanghan, Tarangnan, City of Catbalogan, Jiabong, Motiong, Paranas, Hinabangan, San Sebastian, Calbiga, Pinabacdao, Villareal, Santa Rita, Talalora, Daram, Zumarraga)
  • Leyte
  • nalalabing bahagi ng Biliran

Signal No. 1 (malalakas na hangin ngayon o sa loob ng 36 oras)

  • Nueva Ecija
  • timogsilangang bahagi ng Nueva Vizcaya (Alfonso Castaneda)
  • kanlurang bahagi ng Aurora (Dingalan, San Luis, Maria Aurora, Baler)
  • timog bahagi ng Zambales (Masinloc, Palauig, Iba, Botolan, Cabangan, San Felipe, San Marcelino, San Narciso, San Antonio, Castillejos, Subic, Olongapo City)
  • Bataan
  • Tarlac
  • Pampanga
  • Bulacan
  • Metro Manila
  • Rizal
  • Laguna
  • Cavite
  • nalalabing bahagi ng Batangas
  • nalalabing bahagi ng Romblon
  • Oriental Mindoro
  • hilagang bahagi ng Occidental Mindoro (Abra de Ilog, Paluan, Mamburao, Santa Cruz, Sablayan, Lubang Islands)
  • Catanduanes
  • nalalabing bahagi ng Quezon
  • nalalabing bahagi ng Camarines Norte
  • nalalabing bahagi ng Camarines Sur
  • Eastern Samar
  • nalalabing bahagi ng Samar
  • nalalabing bahagi ng Northern Samar
  • hilagang bahagi ng Cebu (Daanbantayan, Medellin, Santa Fe, Bantayan Islands, City of Bogo, San Remigio, Tabogon, Borbon, Tabuelan, Sogod, Tuburan, Catmon, Carmen, Danao City, Asturias, Compostela, Camotes Islands, Liloan, Consolacion, Cebu City, Balamban, Mandaue City)
  • hilagang bahagi ng Negros Occidental (Cadiz City, Manapla, Enrique B. Magalona, City of Victorias, Sagay City, City of Escalante, Toboso, Calatrava, Silay City)
  • hilagang bahagi ng Iloilo (Carles, Estancia, Balasan, Batad, San Dionisio, Concepcion, Sara, Ajuy, Lemery, San Rafael, Barotac Viejo, City of Passi, Bingawan)
  • Capiz
  • Aklan

Tinatayang magla-landfall uli ang bagyong "Jolina" sa southeastern Quezon ngayong gabi o bukas ng umaga. Posible naman itong lumitaw sa Lopez Bay bago salpukin ang hilagang Quezon matapos.

Sinasabing pahihinain ng "frictional effects" ang bagyo sa pagtawid nito sa Luzon, dahilan para maging tropical storm na lang si "Jolina."

"'JOLINA' is forecast to emerge over the West Philippine Sea before noon on Thursday. Re-intensification is forecast to occur beginning on Thursday afternoon as the tropical cyclone moves west northwestward over the West Philippine Sea towards the southern China-northern Vietnam area," dagdag pa ng PAGASA.

Mga inilikas ng Coast Guard

Umabot naman sa 60 residente ang inilikas ng Philippine Coast Guarrd sa Sitio Owak, Barangay San Isidro, Ormoc City, Leyte kaninang 4:41 a.m.

ito'y matapos makaranas ng mabilis na pagtaas ng tubig-baha ang lugar dahil sa bagyong Jolina.

"Dinala ang mga evacuees, na kinabibilangan ng 28 kabataan, sa San Isidro Elementary School para mabigyan ng karagdagang tulong," wika ng PCG kanina.

 

 

Wala pa namang naiuulat na namamatay, sugatan o nawawala sa ngayon dulot ng bagyo, ani National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) spokesperson Mark Timbal.

Gayunpaman, kinokonsolida ng NDRRMC ang pinal na mga bilang pagdating sa mga in-evacuate na mga residente sa regional level.

JOLINA

PAGASA

PHILIPPINE COAST GUARD

TYPHOON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with