^

Bansa

Magluluwag uli: Metro Manila balik sa 'regular' na GCQ simula Miyerkules

James Relativo - Philstar.com
Magluluwag uli: Metro Manila balik sa 'regular' na GCQ simula Miyerkules
A policeman checks documents of motorists at a border check point in Marikina City, suburban Manila on August 6, 2021, after authorities imposed another lockdown to slow the spread of the hyper-contagious Delta variant and ease pressure on hospitals while trying to avoid crushing economic activity.
AFP/Ted Aljibe

MANILA, Philippines — Nakatakdang magluwag ng quarantine restrictions ang National Capital Region (NCR) simula Miyerkules, pagkukumpirma ni presidential spokesperson Harry Roque ngayong araw.

Ito'y kahit naabot ang pinakamataas ng single-day increase sa COVID-19 infections sa kasaysayan ng Pilipinas noong isang linggo.

Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang pinakamahigpit na ipatutupad na lockdown sa Pilipinas simula Miyerkules sa:

  • Apayao
  • Bataan
  • Bulacan
  • Cavite
  • Lucena City
  • Rizal
  • Laguna
  • probinsya ng Iloilo
  • Lungsod ng Iloilo
  • Lungsod ng Cagayan de Oro

General Community Quarantine (GCQ) with "heightened restrictions" naman ang ipatutupad sa:

  • Ilocos Sur
  • Ilocos Norte
  • Cagayan
  • Pangasianan
  • Quezon
  • Batangas
  • Lungsod ng Naga
  • Antique
  • Lungsod ng Bacolod
  • Capiz
  • probinsiya ng Cebu
  • Lungsod ng Lapu-Lapu
  • Negoros Oriental
  • Zamboanga del Sur
  • Misamis Oriental
  • Lungsod ng Davao
  • Davao del Norte
  • Davao de Oro
  • Davao Occidental
  • Lungsod ng Butuan

Maluwag-luwag at regular na GCQ naman ang inanunsyo sa:

  • Metro Manila
  • Baguio City
  • Kalinga
  • Abra
  • Benguet
  • Dagupan City
  • Lungsod ng Santiago
  • Quirino
  • Isabela
  • Nueva Vizcaya
  • Tarlac
  • Occidential Mindoro
  • Puerto Princesa
  • Aklan
  • Guimaras
  • Negros Occidental
  • Lungsod ng Cebu
  • Lungsod ng Mandaue
  • Zamboanga Sibugay
  • Lungsod ng Zamboanga
  • Zamboanga del Norte
  • Misamis Occidental
  • Lungsod ng Iligan
  • Davao Oriental
  • Davao del Sur
  • Lungsod ng General Santos
  • Sultan Kudarat
  • Sarangani
  • North Cotabato
  • South Cotabato
  • Agusan del Norte
  • Agusan del Sur
  • Dinagat Islands
  • Surigao del Norte
  • Surigao del Sur
  • Lungsod ng Cotabato
  • Lanao del Sur

Ilalagay naman sa pinakamaluwag na Modified General Community Quarantine (MGCQ) ang nalalabing bahagi ng Pilipinas.

Sang-ayon sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) resolution 136-F, ipatutupad ang nasabing community quarantine restrictions simula ika-8 hanggang ika-30 ng Setyembre.

Una nang ibinalita ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez na maaari namang malagay sa "granular lockdowns" ang ilang bahagi ng Pilipinas simula ika-8 ng Setyembre matapos itong aprubahan ng IATF.

Tumutukoy ang granular lockdowns sa mahihigpit na lockdowns na ipatutupad lang sa mga piling lugar ng bansa kung saan may konsentrasyon ng COVID-19 infections, para na rin magpatuloy pa ring nakabukas ang ekonomiya ng nalalabing bahagi ng mga lungsod at bayan.

Sa huling ulat ng Department of Health, umabot na sa 2.08 milyon ang tinatamaan ng COVID-19 sa Pilipinas nitong Linggo. Mula sa bilang na 'yan, 34,234 na ang patay. — may mga ulat mula kay The STAR/Alexis Romero

GENERAL COMMUNITY QUARANTINE

HARRY ROQUE

METRO MANILA

MODIFIED ENHANCED COMMUNITY QUARANTINE

MODIFIED GENERAL COMMUNITY QUARANTINE

NOVEL CORONAVIRUS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with