UP at DLSU, bagsak sa ranking ng World Universities
MANILA, Philippines — Bumagsak ang ranking ng dalawang malalaking unibersidad sa bansa matapos ilabas ng The Higher Education ang bagong data ng pag-aaral hinggil dito.
Base sa resulta ng World University Ranking 2022, nabigo ang University of the Philippines at Dela Salle University na mapanatili ang ranking nito.
Ang UP ay bumagsak sa 601-800 bracket mula sa dating 401-500 noong nakaraang taon. Ang DLSU naman ay dating nasa 1001 bracket pero bumagsak sa 1201 bracket.
Umabot sa mahigit 1,600 universities mula sa 99 na bansa ang isinama ng The Higher Education World University Ranking sa kanilang datos.
Hindi naman nabanggit sa ulat kung ano ang dahilan ng pagbagsak sa ranking ng UP at DLSU.
Ang Oxford University pa rin ng United Kingdom ang nanguna sa ranking na sinundan ng mga unibersidad mula UK at Amerika.
Kabilang sa mga sinilip ng The Higher Education sa mga unibersidad ang paraan ng pagtuturo, research, knowledge transfer at international outlook.
- Latest