^

Bansa

Barangay health workers gagawing kawani ng gobyerno

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Magiging kawani na ng gobyerno ang mga Barangay Health Workers o BHW’s sa ilalim ng panukala na inihain ni dating Speaker Alan Peter Ca-yetano, Taguig Congw.Lani Cayetano at mga miyem-bro ng Back to Service o BTS bloc sa Kamara.

Nais nina Cayetano at ng kanyang grupo na masuklian ng sapat na insentibo at sweldo ang mga Barangay Health Workers kaya hinikayat nila ang mga LGU na kunin ang serbisyo ng mga ito bilang contractual, job orders, casual at bilang mga regular employees mula sa pagi-ging volunteers.

Ilulunsad din ng panukala ang Special Barangay Health Workers Assistance Program sa ilalim ng Department of Health na naglalayong mabigyan ng technical assistance, training at iba pang uri ng suporta ang mga BHW sa ilang piling LGUs.

Sa ngayon ang mga BHW ay nakakatanggap ng allowance ngunit ito ay daragdagan ng naturang panukalang batas mula sa pondong makukuha ng mga LGU’s kapag ipinatupad ang Mandanas-Garcia ruling ng Korte Suprema. Inaasahang madagdagan ang internal revenue allotment o IRA ng mga LGU’s sa susunod na taon dahil sa Mandanas ruling.

Matagal ng adbokasiya ng mga Cayetano ang kapakanan ng mga BHW. Sa Taguig, lahat ng 819 BHW ay mga casual employees na ng LGU at sumasahod ng mula P7,900 hanggang P11,000 kada buwan.

Samantala, kabilang din ang mga barangay frontliners sa listahan ng mga benepesyaryo na makakatanggap ng 10K ayuda sa ilalim ng panukalang batas na inihain ni Cayetano at ng kanyang mga kaalyado noong Peb­rero 2021. Layon ng 10K ayuda bill na mabigyan ng P10,000 ang bawat pamil­yang Pilipino na kasapi ng poorest of the poor na nabiktima ng COVID-19.

BHW

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with