Pagpapanatili sa PMVICs giit sa DOTr
MANILA, Philippines — Muling hiniling ng Alyansa ng mga Grupong Haligi ng Agham at Teknolohiya Para sa Mamamayan (AGHAM) kay Transportation Secretary Arthur Tugade na panatilihin ang operasyon ng private motor vehicle inspection centers (PMVICs).
“When you look at it carefully, there is an environmental issue at its core. We can’t continue the old normal with Private Emission Testing Centers (PETCs), the blatant shortcomings of which has led to continued air pollution from smoke-belching vehicles even during the coronavirus disease pandemic,” paliwanag ni AGHAM President Angelo Palmones.
Importante aniya ang Republic Act No.8749 o Clean Air Act sa pagpapanatiling ligtas ang hanging nilalanghap ng mga Filipino.
Makakamit aniya ito kung susuportahan ng mga motorista ang mas modernisado at scientifically-inclined na PMVIC.
Suportado naman ng Laban Konsyumer Inc., sa pamumuno ni Atty. Vic Dimagiba, ang pananaw ni Palmones ukol sa PMVICs.
“Laban Konsyumer Inc. supports the advocacy of AGHAM for the transport agencies to implement now the PMVIC, which has been a much-delayed project for the past three to four administrations,” ani Dimagiba.
- Latest