^

Bansa

Advocacy group pumalag sa pagharang sa PMVICs

Pilipino Star Ngayon
Advocacy group pumalag sa pagharang sa PMVICs
Facebook photo shows a Private Motor Vehicle Inspection Center in Mandaue City. The Land Transportation Office says the privatization of the system is needed since the government can no longer conduct proper and modern testing.
Facebook photo

MANILA, Philippines — Binatikos ng Alyansa ng mga Grupong Haligi ng Agham at Teknolohiya Para sa Mamamayan (AGHAM) ang mga hakbang ni Sen. Grace Poe para mahinto ang ope­rasyon ng private motor vehicle inspection centers (PMVICs).

Naniniwala ang consumer advocacy group, sa pangunguna ng presidente na si Angelo Palmones, na may magandang epekto ang PMVICs sa kapaligiran at sa public safety.“PMVICs are the next step in ensuring road safety, as has been institutionalized in all corners of our planet,” pahayag ni Palmones.

“It is time to put an end to the rolling coffins and environmentally unsound vehicles that continue to ply our roads,” dagdag nito.

Sa kaniyang privilege speech, inihayag ni Poe sa Department of Transportation (DOTr) na nagi­ging sakit sa ulo umano ng mga motorista ang PMVICs sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Kabilang dito ang mahahaba umanong pila sa mga center kung saan hindi nasusunod ang physical distancing, at gastusin kumpara sa tradisyunal na Private Emission Testing Centers (PETCs).

Para kay Palmones, sa PETCs, nakakasana­yan ang hindi ligtas na driving conditions. Kung magbabatay lang anya sa PETCs at Land Transportation Office (LTO) District Office visual inspectors para malaman ang roadworthiness ng sasakyan at emission compliance, patuloy lamang aniyang lalala ang sitwasyon sa mga lansangan kaya’t kinakailangan itong mabago.

 

PMVIC

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with