^

Bansa

Ekonomiya makakabangon sa 2022 hanggang 2023

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Ekonomiya makakabangon sa 2022 hanggang 2023
Sinabi ni Socioeconomic Planning Secretary Karl Kendrick Chua na nanatili pa ring maganda ang inaasahang pagrekober ng bansa ngayon pa lang 2021.
Philstar.com/ Irish Lising

MANILA, Philippines — Posibleng sa huling bahagi pa ng 2022 o hanggang sa 2023 makakabalik sa pre-COVID-19 pandemic le­vels ang sumadsad na ekonomiya ng bansa.

Ito ang naging pagtaya ng National Economic and Development Authority (NEDA) sa pagdinig kahapon ng House Committee on Appropriations sa panukalang P5.024-trilyong 2022 national budget ng pamahalaan.

Sinabi ni Socioeconomic Planning Secretary Karl Kendrick Chua na nanatili pa ring maganda ang inaasahang pagrekober ng bansa ngayon pa lang 2021.

Kung titingnan ay mas handa na ngayon ang pamahalaan na harapin ang hamon ng COVID-19 at maging sa mga nagsusulputang variants ng virus sa mga nakalipas na buwan.

Sa tala ng NEDA noong Abril hanggang Hunyo 2021, lumago ng 11.8 % ang Gross Domestic Product (GDP) ng Pilipinas na pinakamataas sa nakalipas na 32 taon.

At dahil sa vaccination rollout ng pamahalaan, ay positibo ang economic team na mapapanatili ang target na pagsulong sa 7%-9% sa 2022, sa 2023 at 2024 ay nasa 6% hanggang 7%.

KARL KENDRICK CHUA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with