PAGASA: Bagyong 'Isang' bahagyang tumindi, posible maging tropical storm bukas
MANILA, Philippines — Lalo pang lumakas ang tropical depression Isang habang kumikilos ito pakanluran sa Philippine Sea ngayong Biyernes, ayon sa state weather bureau.
Bandang 10 a.m., Biyernes, nang mamataan ng PAGASA ang bagyo 975 kilometro silangan ng Extreme Northern Luzon.
- Lakas ng hangin: hanggang 55 kilometro kada oras
- Bugso ng hangin: hanggang 70 kilometro kada oras
- Direksyon: pakanluran
- Bilis ng pagkilos: 20 kilometro kada oras
"'ISANG' is forecast to slightly intensify into a tropical storm tomorrow afternoon or evening. It may once again weaken into a tropical depression after passing Ryukyu Islands and the East China Sea," patuloy ng state meteorologists kanina.
"On the forecast track, 'ISANG' will remain far from the Philippine landmass throughout the forecast period. The tropical depression is forecast to move northwestward until tomorrow morning, then turn north northwestward tomorrow afternoon. 'ISANG' is likely to exit the Philippine Area of Responsibility Sunday morning or afternoon."
Sa kabila ng lahat na ito, mababa pa raw ang tiyansa na direkta itong makaapekto sa lagay ng panahon ng Pilipinas gaya ng malalakas na pag-ulan sa kabuuan ng forecast period.
Hindi pa rin nakikita ng PAGASA ang posibilidad na magtataas ng Tropical Cyclone Wind Signal sa anumang land areas sa bands dahil dito. "Unlikely" pa rin naman daw palakasin nito ang Hanging Habagat.
Gayunpaman, inaabisuhan pa rin ang publiko at disaster risk reduction and management offices na gawin ang lahat ng ibayong pag-iingat: "Persons living in areas identified to be highly or very highly susceptible to these hazards are advised to follow evacuation and other instructions from local officials," patuloy nila.
- Latest