Labor Secretary Bello tinamaan na rin ng COVID-19
MANILA, Philippines — Nahawaan na rin ng nakamamatay na coronavirus disease ang kalihim ng Department of Labor and Employment, pagkukumpirma ng kagarawan sa isang pahayag ngayong araw.
"This is to let the public know that Labor Secretary Silvestre H. Bello III has tested positive for COVID-19, but is asymphomatic and remains on top of his health," ayon sa DOLE sa isang statement, Martes.
"Secretary Bello, who is fully vaccinated, is on self-quarantine at his hometown Ilagan where the test was made on Saturday. Even while in isolation, the secretary continues to discharge his functions."
Bagama't nagbibigay ng proteksyon laban sa pagkakahawa ng COVID-19 ang mga bakuna, mas protektado mula sa pagkakahawa nito ang mga bakunado kaysa sa mga hindi. Ang tawag sa naranasan ni Bello ay "breakthrough infection," ayon sa Department of Health.
Dagdag pa ng gobyerno, madalas siyang bisitahin ng mga opisyal atbp. sa kanyang tanggapan, habang bumabiyahe sa iba't ibang bahagi ng bansa para mamahagi ng ayuda sa mga manggagawang naapektuhan ng pandemya.
"The secretary wishes to thank the public for their prayers, and expresses hopes to resume leading DOLE officials in the distribution of assistance funds under its Serbisyong TUPAD as soon as his quarantine period is over," dagdag pa nila.
Sa huling ulat ni presidential spokesperson Harry Roque, umabot na sa 28.3 milyon ang doses ng COVID-19 vaccines na naiturok sa populasyon ng Pilipinas.
Mula sa bilang na 'yan, 12.74 milyon na ang kinikilalang fully vaccinated o 'yung mga nakakuha ng dalawang doses ng bakuna (maliban sa Johnson & Johnson na isang turok lang).
Umabot na sa 1.75 milyon ang tinatamaan ng COVID-19 sa buong bansa, ayon sa DOH nitong Lunes. Sa bilang na 'yan, pumanaw na ang 30,366. — James Relativo at may mga ulat mula kay Xave Gregorio
- Latest