^

Bansa

Duterte kinastigo pag-report ng COA sa 'deficiencies' ng DOH sa P67.3-B budget

James Relativo - Philstar.com
Duterte kinastigo pag-report ng COA sa 'deficiencies' ng DOH sa P67.3-B budget
Litrato ni Pangulong Rodrigo Duterte habang nakikipagpulong sa mga miyembro ng Inter-Agency Task Force on the Emerging Infectious Diseases (IATF-EID), ika-17 ng Agosto, 2021
Presidential Photos/Joey Dalumpines

MANILA, Philippines — Binanatan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pag-flag ng Commission on Audit (COA) sa "deficiencies" ng P67.3 bilyong pondong nakalaan para sa COVID-19 response, kahit na ginagagawa lang nito ang trabaho nito sabi ng ilang grupo.

Sa talumpati ni Digong Lunes ng gabi, inilabas niya ang kanyang galit at sinabing nagmumukhang nagkakaroon ng korapsyon sa administrasyon.

"I said, the paper that they are holding, or papers... in their custody, are really insufficient and deficient kung kailan ang ano. Huwag ka munang mag-audit hanggang hindi pa natapos ang trabaho ko," wika ng presidente kagabi.

"Iyan lang naman sana ang hinihingi natin. Do not conduct an audit on our work na ongoing pa kasi dino-document pa ‘yan."

Kasama sa bilyun-bilyong pondong napuna ng COA sa kanilang report ang "unutilized funds," kakulangan sa procurement at "unauthorized grant" ng meal allowances. As of Dec. 31, 2020, lumalabas na may P11.89 bilyong unobligated funds sa DOH ayon sa COA, bagay na gagamitin sana para pagandahin ang kapasidad ng ahensya sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Una nang sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na "wala silang kinurakot" sa pera, na naka-account naman daw ang lahat at ginamit sa procurement ng test kits, personal protective equipments, pagbabayad ng benepisyo ng healthcare workers at pagpapasweldo. Sa sa P79.7 bilyong COVID funds na nakuha ng ahensya batay sa COA reports, P68.9 bilyon na raw ang nagamit noong Disyembre, 2020.

Dagdag pa ng DOH, "pinapayagan" din daw ng Office of the President ang pagbibigay ng mga meal provisions sa porma ng pera, na una nang natawag na unauthorized.

"‘Pag mag-ano ang COA, magsabi lang ‘yan siya deficiency na mga gano’n gano’n, hindi man sabihin na deficiency na ninakaw mo ‘yung pera. Deficiencies in... in producing the necessary documents to complete the story. Imposible magnakaw ka ng 67.3 [bilyon]," 

"[W]hat needs to be done further to complete the papers... Many government worker na who were placed in a bad light because paglabas nitong COA audit ilagay itong mga deficiencies kagay nitong 67.3 [bilyon], mga gano’n, ang labas niyan sa mga tao akala nawala. Nandiyan ‘yung pera."

Mga grupo: COA ginagawa lang trabaho nila, 'wag takutin

Sinusuportahan naman ngayon ng ilang progresibong grupo ang inilabas ng COA pagdating sa pondong inilaan sa DOH. Aniya, kailangan talaga ito bilang check and balance sa loob ng gobyerno.

"Mali si Duterte sa pagsasabi sa COA na huwag maglabas ng audit observations dahil daw nagbibigay ito ng impression na may kurapsyon sa gobyerno. Baligtad na naman si Duterte. May kurapsyon sa gobyerno. Kaya nga may COA," ani Renato Reyes Jr., secretary general ng Bagong Alyansang Makabayan, Martes.

Aniya, hindi tama na inaabswelto agad ni Digong ang DOH habang hindi pa tapos ang proseso. Ganyan din naman ang naging pahayag ng Bayan Muna party-list at Kilusang Mayo Uno ngayong araw sa hiwa-hiwalay na statements.

"Hindi dapat pinipigilan o tinatakot ang COA sa paggawa ng Constitutional mandate nito, dahil kapag tinigil nila yun ay magbubukas sa lansakang korupsyon sa gobyerno at malubhang pinsala sa interes ng mamamayan," ani Bayan Muna Rep. Carlos Zarate kanina.

"Dati ang sabi nya maski 'a whiff of corruption' sibak pero bakit ngayon ang ahensya mismo ng pamahalaan na nagbabantay laban sa korupsyon pa ang pinatatahimik at pinoprotektahan naman ang mga may iregularidad sa paggamit sa pondo ng bayan? Tulad din ba ito nung jetski joke nya laban sa China? As it is, mukhang joke lang din yata ang anti-corruption drive ng Duterte administration."

Kamakailan lang nang ikagalit ni Maristela Abenojar, presidente ng Filipino Nurses United, ang lumabas na "unutilized" at "misutilized" na pondo mula sa DOH.

Nangyayari ang lahat ng ito ngayong nababatikos din ang plano ng DOH na bumili ng apat na "high-end 2-in-1 laptops" na nagkakahalaga ng P700,000.

vuukle comment

BAGONG ALYANSANG MAKABAYAN

BAYAN MUNA PARTY-LIST

DEPARTMENT OF HEALTH

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with