^

Bansa

75 taon na Notif cards inalis, Post Office delivery napabilis

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tinanggal na ng Post Office ang 75 taong nakasa­nayang “Notification Cards” upang maging mas mabilis, ligtas at maginhawa na matatanggap ng publiko ang mga sulat at parsela sa pamamagitan ng “door to door delivery” na serbisyo.

Ayon kay Postmaster General Norman Fulgencio, minabuting tanggalin ang ganitong gawain upang hindi na ito maging sanhi ng pagkaantala o delay ng serbisyo na minsan ay inaabot ng dalawa hanggang tatlong buwan bago makarating sa pinadadalhan.

Dagdag pa nito, dahil sa mabilis at maginhawang serbisyo, makakatulong ito nang malaki sa ating mga kababayang Overseas Filipino Workers (OFWs) na nagpapadala ng kanilang mga sulat at pakete sa Post Office, na siyang may pinakamalawak na sangay sa mundo.

Ang pag-alis ng “Notification Cards” ay isa lamang sa inisyatibo ng Post Office sa ilalim ng programa nitong “Hatid Malasakit” upang maipakita at maipadama sa publiko ang adhikain ng kanilang tanggapan na tumulong sa kapwa sa pamamagitan ng pagbibigay ng maayos na serbisyo sa mamamayan.

Ang programang “Hatid Malasakit” ng Post Office ay alinsunod sa “Philippine Development Plan” na ipinatutupad ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte upang masiguro na matatanggap ng mamamayan ang kalidad at karapat-dapat na serbisyo mula sa pamahalaan.

“Taos puso po kaming humihingi ng pang-unawa at pasensya sa publiko. Hindi po kami perpekto, subali’t patuloy ang aming pagsusumikap na mapabuti ang aming serbisyo. Muli, humihingi po kami ng tawad”, sabi ni Postmaster General Norman Fulgencio.

POST OFFICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with