^

Bansa

Taga Metro Manila na naka-out of town bawal bumalik habang ECQ

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Taga Metro Manila na naka-out of town bawal bumalik habang ECQ
Hiningian ng ID ng isang pulis ang bawat pasahero ng jeep bilang patunay na sila ay Authorized Person Outside Residence (APOR) para makadaan sa checkpoint sa boundary ng San Pedro - Muntinlupa kasunod na rin ng ipinapatupad na ECQ sa NCR at Laguna.
Ernie Peñaredondo

MANILA, Philippines — Hindi papayagang makabalik ang mga residente ng Metro Manila na nag-out of town habang  ipinatutupad ang enhanced community quarantine (ECQ).

Ayon kay PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar, ito ang dahilan kaya nag­lagay ng mga border sa NCR Plus. Aniya, patatapusin muna ang ECQ at hintaying ideklara ang  general community qua­rantine (GCQ).

Muli namang nilinaw ni Eleazar na ang mga authorized persons outside residence (APOR) o essential workers ay pinapayagan namang  makapasok ng NCR. Iniiwasan aniya nilang  magkaroon ng exodus kung maglalabas-pasok ang lahat at hindi alintana ang ipinatutupad na ECQ at banta ng pandemya.

Samantala, posibleng arestuhin ang mga health protocol violator na ‘pa­saway to the max’.

Bagama’t utos niyang ipatupad ang maximum tolerance, sinabi ni Elea­zar na wala na silang magagawa kung sagad na sa paglabag ang isang indibiduwal sa kabila ng pinaiiral na ECQ.

NCR PLUS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with