^

Bansa

Maagang checkpoints sa NCR Plus borders para iwasan ang uwian sa mga probinsya

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Maagang naglagay ng mga checkpoints ang mga awtoridad sa boun­daries ng NCR Plus areas upang maiwasan ang exodus o pag-uuwian ng mga tao sa mga lalawigan, na maaaring magresulta sa pagkalat pa lalo ng Delta variant.

Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año, malaki ang posibilidad na samantalahin ng mga tao sa Metro Manila ang mas maluwag pang quarantine upang makalabas at makauwi ng probinsiya.

Binigyang-diin ng kalihim na wala pang bansa sa Southeast Asia ang nakapagpatigil sa Delta variant nang hindi nagpatupad ng hard lockdown sa mga panguna­hing lungsod.

Talaga aniyang nakakatakot ang Delta va­riant.

Nilinaw naman ni Año na ang mga taong kaila­ngan talagang bumiyahe ay maaaring magprisinta sa checkpoints ng identification cards na inisyu ng IATF o anumang valid ID o dokumento na magpapatunay na ang biyahe nila ay mahalaga.

Sa Agosto 6-20 pa iiral ang ECQ sa Metro Manila ngunit Linggo pa lamang ng madaling araw ay nagtayo na ng checkpoints sa borders ng Bulacan, Pampanga at Nueva Ecija, Rizal at Quezon; Laguna at Quezon; Cavite, Quezon at Batangas.

Sa sandali aniyang umiral ang ECQ ay maglalagay na rin ng checkpoints sa loob ng Metro Manila.

NCR PLUS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with