^

Bansa

Bagyong 'Fabian' tumindi, posibleng maging typhoon sa Martes ng gabi

Philstar.com
Bagyong 'Fabian' tumindi, posibleng maging typhoon sa Martes ng gabi
Satellite image ng bagyong "Fabian" 1,090 kilometro silangan hilagang silangan ng Extreme Northern Luzon bandang 4 a.m. ng umaga, ika-19 ng Hulyo, 2021
Released/PAGASA

MANILA, Philippines — Lalo pang lumakas ang Tropical Storm Fabian habang kumikilos sa gawing hilaga hilagangkanluran, ayon sa huling tala ng state meteorologists, Lunes. 

Huling namataan ang mata ng bagyo sa loob ng Philippine area of responsibility (PAR), 1,090 kilometro silangan hilagang silangan ng Extreme Northern Luzon bandang 4 a.m. ng umaga.

  • Lakas ng hangin: 85 kilometro kada oras malapit sa gitna
  • Bugso: 105 kilometro kada oras
  • Direksyon: hilaga hilagangkanluran
  • Bilis ng pagkilos: 10 kilometro kada oras

"'FABIAN' is forecast to further intensify throughout the forecast period and reach severe tropical storm category within 12 hours and typhoon category by Tuesday evening or Wednesday morning," wika ng PAGASA kanina.

Maaaring maabot ang pinakamalakas nitong estado sa Huwebes hanggang sa humina Biyeres ng hapon habang tinatawid ang bansang Taiwan.

Signal No. 1 itataas ba?

Sa huling forecast scenario ng PAGASA, mababa pa ang posibilidad ng pagtataas ng anumang Tropical Cyclone Wind Signal.

"However, residents and disaster managers in Batanes and Babuyan Islands are advised to continuously monitor the tropical cyclone bulletins as any further southward shift in the orientation of the track forecast may result in the hoisting of TCWS #1 over these areas," dagdag nila kanina.

Maaaring lumabas ng PAR ang bagyo bukas ng gabi hanggang Miyerkules ng umaga. Gayunpaman, may posibilidad nitong magbalik sa mga susunod na araw.

Napapansin kasi ngayon ang pagkabig nito patimog sa nakalipas na 24 oras, sabi ng PAGASA.

"If the trend continues, there is an increasing possibility that 'FABIAN' will either re-enter the PAR or exit the PAR much later than the current forecast suggests," sabi pa ng state weather bureau. — James Relativo

FABIAN

PAGASA

TROPICAL STORM

TYPHOON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with