^

Bansa

Mayorya ng mag-aaral ‘di gaanong natuto sa online learning – survey

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Majority ng mga kabataang mag-aaral ang nagsasabing hindi sila gaanong natututo sa online learning na ipinatutupad ng pamahalaan sa panahon ng pandemic.

Sa online survey ng Movement for Safe, Equi­­t­able, Quality and Relevant Education (SEQuRE) na ginawa noong June 25 hanggang July 2, nasa 86.7 percent ng mag-aaral gamit ang modular lear­ning, 66% gamit ang online at 74% blended learning ang nagsabing kakaunti ang kanilang natututunan sa ilalim ng alternative modes of instruction kumpara sa tradisyunal na face-to-face learning bago magpandemic.

Lumabas din na 5.4% lang ng mga mag-aaral sa ilalim ng blended, 5.7% sa modular at 9.1% sa online ang nagsabing sila ay natuto.

Mayroon namang 24.8% sa online, 20.7% sa blended at 7.6% sa modular ang naniniwalang sila ay higit na natuto kaysa bago mag-pandemic.

Nasa 72.7 percent naman ng online learners ang dumanas ng hindi nakapasok sa klase dahil sa problema sa kanilang devices o internet habang 73.3% ng modular lear­ners ang hindi nakapag-submit ng kanilang mo­dules sa takdang oras.

Ayon sa 50% ng mga guro, 4 hanggang 6 sa bawat 10 mag-aaral ay nahuhuli sa ibang mag-aaral.

Nasa 40% ang nagsabing ayaw na nila sa distance learning sa susunod na pasukan habang 21% ang nagsabing kahit ano at 39% ang undecided.

Kabilang sa mga res­pondents ang 1,278  guro, 1,299 Grades 4-12 students at 3,172 mga magulang na karamihan ay mula sa National Capital Region.

MOVEMENT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with