^

Bansa

FDA: COVID-19 vaccine side-effects bantayan kahit hanggang 1 taon

James Relativo - Philstar.com
FDA: COVID-19 vaccine side-effects bantayan kahit hanggang 1 taon
A man shows a vial of the US Johnson and Johnson vaccine against the Covid-19 coronavirus donated by the United States, at the Sukraraj tropical hospital vaccine storage cold room in Kathmandu on July 12, 2021.
AFP/Prakash Mathema

MANILA, Philippines — Kahit na hindi agad-agad tamaan ng side-effects kaugnay ng COVID-19 vaccines matapos ang ilang linggo, dapat pa rin bantayan ang pagpasok ng ilang "adverse events" kahit hanggang isang taon matapos maturukan ng bakuna, ayon sa Food and Drug Administration (FDA).

Ito ang ipinaliwanag ni FDA director general Eric Domingo, Miyerkules sa Laging Handa briefing, nang maiulat ang "rare nerve disorder" na natuklasan sa ilang naturukan ng Johnson & Johnson COVID-19 vaccine matapos ang 42 araw.

"Actually tayo, extended po talaga ang ating adverse events following immunization ano. Kung may naramdaman po kayo, kahit six months, kahit one year, kailangan pong i-report niyo 'yan para po makita natin... kung meron po siyang kuneksyon sa mga bakuna," ani Domingo kanina.

"'Yung mga allergy, immediate kasi 'yan nakikita... Ang mga sinasabi po natin na [we should] watch out for that might be a little longer, ay 'yung mga unusual nga, itong mga rare side-effects na binabantayan. Katulad po ng pagbaba ng platelet [count], ito ngang possible Guillain-Barre Syndrome (GBS). Very, very rare nga po ito, at ito lang po usually ang makita nang mas matagal."

Ang GBS ay sinasabing napaka-"rare" at nangyayari lang sa isa sa 100,000 kataong nababakunahan, sabi ng FDA, habang idinidiin na na mas marami pa rin ang benepisyo ng mga naturang gamot kumpara sa risks.

Karamihan sa mga adverse events ay na nangyayari sa loob ng ilang araw hanggang ilang linggo matapos ang pagpapabakuna laban sa nakamamatay sna COVID-19. Ayon sa Department of Health (DOH), ilan lang ang sumusunod sa mga karaniwang side-effects ng mga jabs:

  • pananakit, init, pamumula o pamamaga sa brasong tinurukan
  • general na hindi magandang pakiramdam
  • pagkapagod (fatigue)
  • panlalamig o pakiramdam na tila lalagnatin
  • sakit ng ulo
  • pananakit ng mga kasu-kasuan o katawan

Abril nang aprubahan ng FDA ang emergency use authorization ng single-dose Johnson & Johnson. Sinasabing magsisimulang dumating sa Pilipinas ang lagpas 3 milyong doses ng bakuna ng J&J-owned Janssen Pharmaceutical ngayong linggo.

Ipinaalala naman ni Domingo na walang dapat ipangamba kung walang maramdamang side-effects mabakunahan. Aniya, hindi ibig sabihin na wala nito ay hindi na mabisa ang bakuna dahil karamihan ay wala naman daw talagang negatibong nararamdaman matapos.

Sa huling ulat ni presidential spokesperson Harry Roque kanina, umabot na sa 13.81 milyong doses ng COVID-19 vaccines ang naibibigay sa Pilipinas. Samantala, 3.88 milyong katao naman ang sinasabing nakakumpleto na ng dalawang doses ng bakuna.

Hindi gaya ng ibang bakuna, isang turok lang ng J&J vaccine ay fully-vaccinated ka na at maproprotektahan laban sa virus.

Umabot na sa 1.48 milyon ang tinatamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa huling ulat ng DOH nitong Martes. Sa bilang na 'yan, patay na ang 26,092 katao.

COVID-19 VACCINES

DEPARTMENT OF HEALTH

FOOD AND DRUG ADMINISTRATION

JOHNSON & JOHNSON

NOVEL CORONAVIRUS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with