Tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas umangat na sa 1,481,660
![Tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas umangat na sa 1,481,660](https://media.philstar.com/photos/2021/07/13/bakuna-night-manila-6_2021-07-13_15-11-59.jpg)
MANILA, Philippines — Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 3,604 bagong infection ng coronavirus disease, Martes, kung kaya nasa 1,481,660 na sumatutal ang nahahawaan nito sa bansa.
Batay sa mga bagong nakalap na datos ng Kagawaran ng Kalusugan, narito ang bagong mga pasok na datos para araw na ito:
- lahat ng kaso: 1,481,660
- nagpapagaling pa: 46,934, o 3.2% ng total infections
- bagong recover: 5,840, dahilan para maging 1,408,634 na lahat ng gumagaling
- kamamatay lang: 77, na siyang nag-aakyat sa total local death toll sa 26,092
EDSA sumisikip na uli; Hawaan sa NCR tumataas
-
Bagama't nagdudulot ng "rare" neurological disorder na Guillain-Barré syndrome ang COVID-19 vaccines ng Johnson & Johnson ayon sa US FDA, tiniyak naman ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire kanina na mas matimbang pa rin ang benepisyo nito kumpara sa negatibong epekto.
-
Habang nagluluwag sa COVID-19 restrictions ang Pilipinas, nagsisikip naman sa ngayon ang mga primaryang daanang kalye sa Pilipinas gaya ng EDSA. Sa huliung taya ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), nasa 399,000 na ang volume count nito — bagay na 98% na raw ng 405,882 bago pumalo ang COVID-19.
-
Samantala, ibinalita naman kanina ni Dr. Eva Cutiongco-Dela Paz, opisyal ng Philippine Genome Center, na tinanggal na ng World Health Organization (WHO) ang Theta variant sa kanilang "variants of interests" kaugnay ng COVID-19. Ang P.3 variant, na unang nadiskubre sa Pilipinas, ay hindi hindi gaano kabilis pagdating sa COVID-19 transmission, ayon sa DOH.
-
Napapansin naman ngayon ng DOH na tumataas uli ang hawaan ng COVID-19 sa walong lungsod sa Metro Manila gaya na lang ng Makati, San Juan, Muntinlupa, Mandaluyong, Maynila, Malabon, Navotas at Las Piñas. Aniya, bahagyang mas mataas sa 7-day moving average ang mga nagkakasakit doon ngayon.
-
Kahit na nagluluwag na ang mga healthcare protocols sa bansa sa pagbubukas ng ekonomiya't mga trabaho, lumalabas na mas marami ang nagugutom ngayon sa Pilipinas. Sa huling survey ng SWS, 16.8% (4.2 milyong pamilya) ang nakaranas ng gutom sa nakalipas na tatlong buwan. Mas malala 'ayn kumpara sa 16% (4 milyong pamilya) noong Nobyembre 2020.
-
Umabot na sa 186.63 milyon ang tinatamaan ng COVID-19 sa buong daigdig, ayon sa huling datos ng WHO. Sa bilang na 'yan, patay na ang 4.03 milyong katao.
— James Relativo
- Latest