^

Bansa

Fully vaccinated Pinoys higit 3 milyon

Pilipino Star Ngayon
Fully vaccinated Pinoys higit 3 milyon
Ibinida ni Presidential spokesperson Harry Roque na base sa pinakahuling data nitong Hulyo 7, nasa 3,089,976 milyon na ang nabigyan ng una at ikalawang dose ng bakuna.
The STAR/Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Mahigit na sa 3 mil­yong Pinoy ang kumpleto na ang bakuna laban sa COVID-19.

Ibinida ni Presidential spokesperson Harry Roque na base sa pinakahuling data nitong Hulyo 7, nasa 3,089,976 milyon na ang nabigyan ng una at ikalawang dose ng bakuna.

Kabuuang 12,489,077 COVID-19 vaccines ang naiturok. Pero inaasahan na tataas ang nasabing bilang dahil hindi pa dumarating ang data mula sa mga lokal na pamahalaan at pribadong sektor.

Naitala naman noong July 6 ang all time high na average rates kung saan nakapagturok ng 248,004 sa isang araw lamang.

Ito na ang pinakamalaking bilang ng mga naturukan sa isang araw mula ng magsimula ang vaccination roll out ng pamahalaan.

Muling hinikayat ni Roque ang mga mamamayan na magpa-bakuna at tiyaking matuturukan ng ikalawang dose.

Binanggit din niya ang pagdating ng dalawang batches ng AstraZeneca ngayong linggo kung saan ang una ay donasyon ng Japanese government at ang pangalawa ay mula sa COVAX Facility.

Bukod pa ito sa inaa­sahan ding darating nga­yong linggo na dalawang batches ng Sputnik V component 1 at 2.— Angie dela Cruz

PINOYS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with