^

Bansa

4,114 bagong COVID-19 cases itinulak local infections sa 1.44-M

Philstar.com
4,114 bagong COVID-19 cases itinulak local infections sa 1.44-M
Devotees are assisted by members of the Hijos del Nazareno while reminding them of the strict compliance to health protocols as they wait in line to enter the Minor Basilica of the Black Nazarene in Quiapo, Manila for the first Friday of the month devotion Mass on July 2, 2021. Other members of the faithful settle to hear Mass at the Plaza Miranda as the church only accommodates 50% of its seating capacity to maintain social distancing inside the church.
The STAR/Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Nakapagtala ang Department of Health ng 4,114 bagong infection ng coronavirus disease, Martes, kung kaya nasa 1,445,832 na sumatutal ang nahahawaan nito sa bansa.

Batay sa mga bagong nakalap na datos ng Kagawaran ng Kalusugan, narito ang bagong mga pasok na datos para araw na ito:

  • Lahat ng kaso: 1,445,832
  • Nagpapagaling pa: 49,613, o 3.4% ng total infections
  • Kagagaling lang: 6,086, dahilan para maging 1,370,923 na lahat ng gumagaling 
  • Kamamatay lang: 104, na siyang nag-aakyat sa total local death toll sa 25,296

Anong bago ngayong araw?

  • Bagama't inanunsyo ng DOH nitong Lunes na "low-risk" na para sa COVID-19 ang Pilipinas, pinalagan ito ng World Health Organization at sinabing hindi ito totoo para sa mga paparating na kaso sa hinaharap.

  • Nagbabala naman ni presidential spokesperson Harry Roque sa mga nagbabalak na pekein ang kanilang COVID-19 vaccination cards para lang ma-avail ang interzonal travel kahit walang swab tests. Aniya, 'wag na raw itong subukan pa kung ayaw nilang i-risk ang pagkakakulong dahil "falsification of documents" ito.

  • Ayon pa kay Roque, hindi pa naman dapat mabahala nang husto sa panibagong Lambda COVID-19 variant na unang nadiskubre sa Peru lalo na't walang direct flights ang South Africa patungong Pilipinas. Dagdag pa ni Health Secretary Francisco Duque III kanina, "variant of interest" pa lamang ito at hindi pa variant of concern.

  • Umabot naman na sa 12 milyong Pilipino ang naturukan na ng bakuna laban sa COVID-19, bagay na kumakatawan sa 10.9% ng populasyon sa bansa. Ito ang ibinahagi kanina ni National Task Force Against COVID-19 deputy chief implementer Vince Dizon.

  • Labas sa National Capital Region, lumalabas na Davao City ang nakakapagtala ng pinakamatataas na kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa huling ulat ng OCTA Research group kanina. Sa pagitan ng Ika-29 ng Hunyo hanggang ika-5 ng Hulyo, nakapagtatala ng average na 303 kaso ng infections sa nasabing lungsod araw-araw.

  • Inuutusan naman ngayon ni Police chief Gen. Guillermo Eleazar ang Criminal Investigation and Detection Group na tuntunin na ang mga iligal na nagbebenta at bumibili ng COVID-19 vaccines. Ito'y matapos mahuli ng National Bureau of Investigation ang ilang nagbebenta ng bakuna, bagay na pruweba raw na naipupuslit na sa bansa ang pekeng mga gamot laban sa virus.

  • Umabot na sa 183.56 milyon ang tinatamaan ng COVID-19 sa buong daigdig, ayon sa huling datos ng WHO. Sa bilang na 'yan, patay na ang 3.97 milyong katao.

— James Relativo

COVID-19 TALLY PHILIPPINES

COVID-19 VACCINES

DEPARTMENT OF HEALTH

NOVEL CORONAVIRUS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with