Bagyong 'Emong' posibleng hagipin Batanes-Babuyan Islands ngayong hapon
MANILA, Philippines — Isinailaim ngayon ang ilang probinsya sa Tropical Cyclone Wind Signal no. 1 sa patuloy na pag-iral ng isang sama ng panahon sa loob ng Philippine area of responsibility (PAR), pagbabahagi ng PAGASA, Lunes.
Bandang 7 a.m. nang mamataan ang sentro ng Tropical Depression Emong sa layong 385 kilometro hilagangsilangan ng Tuguegarao City, Cagayan ngayong Lunes.
- Lakas ng hangin: 55 kilometro kada oras malapit sa gitna
- Bugso ng hangin: 70 kilometro kada oras
- Direksyon: pahilagangkanluran
- Bilis: 40 kilometro kada oras
- Lawak ng tropical cyclone winds: 200 kilometro mula sa sentro
"Today through tomorrow (6 July) morning, 'EMONG' is forecast to bring moderate to heavy with at times intense rains over Batanes and Babuyan Islands," ayon sa state weather bureau kanina.
"Under these conditions and considering antecedent rainfall, isolated to scattered flash flooding and rain-induced landslides are highly likely, especially in areas with high or very high susceptibility to these hazards as identified in hazard maps. Adjacent or nearby areas may also experience flooding."
Kasalukuyang nakataas ang Signal No. 1 ngayon sa:
- Batanes
- Hilagangsilangang bahagi ng Cagayan (Santa Ana, Gonzaga) kasama ang Babuyan Islands
Ang mga sumusunod na lugar ay makatitikim ng mga malalakas na hanging aabot sa 30-60 kilometro kada oras sa loob ng 36 oras.
"However, the projected track and intensity suggests the possibility of hoisting TCWS #2 over portions of the localities presently under TCWS #1," dagdag ng PAGASA.
Landfall posible
Posibleng mag-landfall o lumapit nang husto ang naturang bagyo sa Batanes-Babuyan Islands ngayong hapon o gabi. Maaari ring paglabas nito sa PAR bukas ng umaga.
Pwede pang tumindi ang naturang sama ng panahon para maging tropical storm sa susunod na 12 oras, ngunit baka maapektuhan ito ng bilis ng pagkilos nito.
Sa pagbagtas nito sa Extreme Northern Luzon bilang tropical storm, pwedeng bumalik sa pagiging tropcial depression ang bagyong "Emong" dahil sa interaction nito sa katimugang bahagi ng Taiwan.
- Latest