^

Bansa

Malacañang tinanggap pagbibitiw ni Parlade sa task force kontra-komunista

James Relativo - Philstar.com
Malacañang tinanggap pagbibitiw ni Parlade sa task force kontra-komunista
Kuha ng nagbitiw na NTF-ELCAC spokesperson na si Lt. Gen. Antonio Parlade, ika-13 ng Marso, 2019
Video grab mula sa RTVM Youtube channel

MANILA, Philippines — Kinumpirma na ng Palasyo ang tuluyang pagbibitiw ng isang kontrobersyal na opisyal mula sa National Task Force to End Local Armed Conflict (NTF-ELCAC), bagay na kilala sa pagdidikit sa sari-saring grupo't indibidwal sa Partido Komunista ng Pilipinas at New People's Army (NPA).

"Tinanggap po ang resignation ni [Lt. Gen. Antonio] Parlade as spokesperson of NTF-ELCAC. So that's what I was able to confirm from [Defense Secretary Delfin] Lorenzana," ani presidential spokesperson Harry Roque, Huwebes.

Ngayong araw lang din nang iulat ang kagustuhan ni Parlade na magbitiw sa naturang posisyon, lalo na't nakwekwestyon ang paghawak niya rito habang nananatiling miyembro ng Armed Forces of the Philippines.

Una na kasing sinabi sa Senado nitong Marso na paglabag sa Section 5 (4), Article XVI ng 1987 Constitution ang kanyang appointment sa pwesto. Nananatili kasing hepe ng Southern Luzon Command ang nasabing opisyal. Sa ilalim ng probisyong ito, sinasabi ang sumusunod:

"No member of the armed forces in the active service shall, at any time, be appointed or designated in any capacity to a civilian position in the Government, including government-owned or controlled corporations or any of their subsidiaries."

"I want to ease the pressure to the NTF-ELCAC principals who are being questioned by legislators for designating me inspite my being in the active service," ani Parlade sa isang pahayag.

"I want to assure our critics that I am not running away from this fight [against the communist rebels]."

Halos isang buwan na raw ang nakalilipas nang isumite ni Parlade ang liham ng kanyang pagbibitiw kay Pangulong Rodrigo Duterte.

'Resign lang? Panagutin din!'

Samantala, naninindigan naman ngayon ang Bayan Muna party-list na hindi dapat basta hayaang magbitiw at mawala sa spotlight si Parlade — dapat mapanagot din.

Aniya, nagamit daw kasi ni Parlade ang posisyon sa pagpapahamak at pagpapakalat ng kasinungalingan laban sa mga indibidwal at organisasyong kritiko ng pamahalaan.

"[R]esign na lang, wala nang pagpapanagot sa kanyang paghahasik ng kasinungalingan? As spokesperson of NTF-ELCAC, Parlade used and abused his position to attack government critics, spread fake news, and red-tag activists and organizations, he should be held accountable for this," ani Bayan Muna Rep. Ferdinand Gaite sa isang statement.

"The NTF-ELCAC shouldn't also be spared from accountability. They have enabled Paralde's crusade of lies. 'Di sasapat na magresign lang si Parlade, dapat ay buwagin na ang grupong iyan na nag-aaksaya lang ng pondo ng bayan."

Matagal-tagal nang nananawagan ang ilang grupo na i-abolish ang NTF-ELCAC kasabay ng paglilipat ng kanilang P19 bilyong budget para sa pandemic response, lalo na't hindi pa rin humuhupa ang COVID-19 infections sa Pilipinas.

Gayunpaman, matatandaang nagdagdag pa ang task force ng walong spokespersons nitong Mayo.

"Sa nalalapit na 2022 Budget deliberations, we will see to it that NTF-ELCAC's budget would be thoroughly scrutinized. We call on our fellow lawmakers in the House and Senate to not let this waste of taxpayers money pass unchecked," pagtatapos ni Gaite.

Red-tagging sa aktibista, artista, community pantry

Ilan sa mga una nang ni-redtag ni Parlade at ng NTF-ELCAC ang mga artista, peryodista, civilian volunteers ng "community pantry," mga ligal na aktibista't mambabatas kahit walang ibinibigay na aktwal na batayan.

Una nang sinabi ng Commission on Human Rights na peligroso ang pagbabansag ng komunista at terorista sa mga indibidwal at grupo lalo na't "nilalabag nito ang presumption of innocence." Maliban pa riyan, marami nang namatay na aktibista, abogado at doktor matapos bansagan na suporter o miyembro ng kilusang komunista.

Hindi labag sa batas ang pagiging miyembro ng Communist Party of the Philippines simula nang i-repeal ng Republic Act 7636 ang Anti-Subversion Act. Gayunpaman, kinakasuhan ng rebelyon ang mga miyembro ng NPA.

Kinakailangan munang ma-proscribe ng korte ang isang grupo bago ituring na terorista ng batas sa ilalim ng Anti-Terrorism Act of 2020, bagama't dinesignate na ng Anti-Terrorism Council ang CPP-NPA.

ANTONIO PARLADE JR.

COMMUNIST PARTY OF THE PHILIPPINES

HARRY ROQUE

NEW PEOPLE'S ARMY

NTF-ELCAC

RED-TAGGING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with