^

Bansa

Pinakakaonting COVID-19 'active cases' sa loob ng 34 araw naitala ng DOH

Philstar.com
Pinakakaonting COVID-19 'active cases' sa loob ng 34 araw naitala ng DOH
Security personnel remind people to observe health protocols as they queue for their COVID-19 vaccine at the SM City San Lazaro in Manila on June 22, 2021. After a low turnout of COVID-19 vaccine recipients from various vaccination sites on Monday, Manila City Mayor Francisco Isko Moreno Domagoso scraps the no walk-in policy to accomodate more people wanting to be inoculated.
The STAR/Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 4,509 bagong infections ng coronavirus disease (COVID-19), Miyerkules, kung kaya't nasa 1,412,559 na sumatutal ang nahahawaan nito sa bansa.

Batay sa mga bagong nakalap na datos ng Kagawaran ng Kalusugan, narito ang bagong mga pasok na datos para sa araw na ito:

  • Lahat ng kaso: 1,412,559
  • Nagpapagaling pa: 48,649, o 3.4% ng total infections
  • Kagagaling lang: 5,839, dahilan para maging 1,339,248 na lahat ng gumagaling 
  • Kamamatay lang: 105, na siyang nag-aakyat sa total local death toll sa 24,662

Re-orientation ng vaccinators; ivermectin trials aabutin ng buwan

  • Ngayong araw naitala ang pinakamababang COVID-19 active cases sa Pilipinas sa loob ng 34 araw sa bilang na 48,649. Huling mas mababa ang datos diyan noong ika-27 ng Mayo.

  • Aminado naman ang Food and Drug Administration na 68 COVID-19 infections na ang naitala sa Pilipinas kahit naturukan na ang vaccinees ng kumpletong dalawang doses ng bakuna. Gayunpaman, lahat sila ay gumaling din at walang namatay. Nasa 0.003% lang din ito ng lahat ng fully vaccinated.

  • Ibinahagi naman ni Department of Science and Technology (DOST) Secretary Fortunato dela Pena na baka abutin ng anim na buwan ang clinical trials ng ivermectin para malaman kung talagang epektibo ito laban sa COVID-19. Gayunpaman, posibleng abutin ng hanggang walong buwan ang proyekto. "Siguro, kung sakaling tuluy-tuloy, before the end of the year ay meron nang resulta," aniya.

  • Matapos lumutang ang kaso ng nagtuturok ng COVID-19 na hindi pinipindot ang ineksyon, nire-reorient na ang mga vaccinators pagdating sa mga tamang protocols. Ayon sa DOH, dumarami raw kasi ngayon ang isyu ng errors pagdating sa pagbabakuna.

  • Samantala, lumalabas naman ngayon sa COVID Resilience Ranking ng Bloomberg na ikalawa ang Pilipinas sa may pinakamababang score pagdating sa lahat ng mga bansang sinuri. Inilabas ang nasabing pag-aaral nitong Martes.

  • Umabot na sa halos 181.2 milyon ang tinatamaan ng COVID-19 sa buong daigdig, ayon sa huling datos ng World Health Organization. Sa bilang na 'yan, patay na ang 3.93 milyong katao.

— James Relativo at may mga ulat mula kay Xave Gregorio

COVID-19 VACCINES

DEPARTMENT OF HEALTH

NOVEL CORONAVIRUS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with