^

Bansa

DOH, Makati kinumpirma COVID-19 vaccination vid na 'nanusok lang ng karayom'

James Relativo - Philstar.com
DOH, Makati kinumpirma COVID-19 vaccination vid na 'nanusok lang ng karayom'
A health worker prepares a vial of Chinese Sinovac vaccine against Covid-19 coronavirus disease inside a movie theatre turned into a vaccination centre in Taguig City suburban Manila on June 14, 2021.
AFP / Ted Aljibe

MANILA, Philippines — Tiniyak ng Department of Health (DOH) na paiimbestigahan ang anomalya sa nangyaring bakunahan laban sa coronavirus disease (COVID-19), bagay na kumakalat ngayon sa social media.

Sa nasabing video, makikitang isinaksak lang ang karayom ng ineksyon sa vaccinee pero hindi ipinasok ang lamang COVID-19 vaccine sa tumatanggap.

"Sinisigurado po namin na ating iimbestigahan ang pangyayaring ito upang mapabuti ang ating national vaccination program," wika ni Health Secretary Francisco Duque III, Lunes.

"Sa pagdating ng mas maraming bakuna sa bansa, we will continue to improve our speed, scale, and quality of service."

Ayon sa sa DOH, napansin daw agad ng vaccine recipient (na nagvi-video noon) na bigong itulak ng healthcare worker ang gamot papasok ng kanyang katawan. Agad naman daw ibinigay ng vaccination team ang tamang COVID-19 vaccine dose sa vaccinee matapos ipakita ang naturang video.

"The Secretary of Health assures the public that this incident is being taken seriously and immediate improvements in the protocol shall be made to ensure we limit the chances of this from happening again," dagdag ng DOH.

Makati LGU: Human error ito

Nakikipag-ugnayan na ngayon ang DOH sa local government unit kung saan nangyari ang insidente at pinaaalalahanan ang mga vaccinators na ibayong mag-ingat at ibigay ang buo nilang attensyon tuwing nagbabakuna.

"We acknowledge the video. It was human error on the part of the volunteer. Volunteer po siya na nurse," wika ni Makati City Mayor Abigail Binay sa arawang press briefing ng Palasyo.

"That was immediately corrected. This happened June 25, and June 26 bumalik po siya aming tanggapan at ipinakita po ang video at nakita na hindi po siya nabakunahan, kaya't binigyan po siya agad ng bakuna."

Humihingi naman ngayon ng pag-unawa ang Makati LGU pagdating sa insidente umaapelang 'wag nang pagbintangan ng kung anu-ano ang nurse na nagturok.

Hindi pa naman sinasagot ng DOH ang reporters sa ngayon kung ito lang ang nag-iisang insidente ng COVID-19 vaccination kung saan hindi naipasok ang vaccine contents sa katawan.

Galvez: Baka naman pekeng video 'yan

Kahit na kinumpirma na ng DOH ang insidente, sinabi ni vaccine czar Carlito Galvez Jr. na dapat matiyak kung authentic ang video at hindi gawa-gawa lang.

"Imbestigahan natin kung authentic ang video kasi lumalabas galing ang video sa Indonesia at ibang area... Ang tagal natin nagva-vaccinate, wala tayong instances na ganyan," sabi ni Galvez sa ulat ng CNN Philippines kanina.

"Nakita ko yung nag-viral na yan noon pa. I think somebody wanted to stir up controversy against our ongoing national vaccination program. Kung talagang totoo yan, we will penalize."

Sa huling ulat ng DOH nitong Linggo, umabot na sa 1,397,992 ang tinatamaan ng COVID-19 sa Pilipinas. Patay naman na ang 24,372 sa bilang na 'yan.

ABIGAIL BINAY

COVID-19 VACCINE

DEPARTMENT OF HEALTH

MAKATI

NOVEL CORNAVIRUS

Philstar
  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with