^

Bansa

Viral: Koreanong vlogger ni-recreate 'pritong tuwalya' ng fastfood chain

Philstar.com
Viral: Koreanong vlogger ni-recreate 'pritong tuwalya' ng fastfood chain
Hawak-hawak ng Koreanong Youtuber na si "Mr BulBul" ang isang maruming bimpo, katabi ng iba pang mga maliliit na tuwalyang kanyang iniluto sa mantika — para gayahin ang kontrobersyal na "Jollitowel" ng isang Pinoy fast food branch sa Taguig
Video grab mula sa Youtube channel ni Mr BulBul

MANILA, Philippines — Lumikha ng matinding ingay sa social media ang kontrobersiyal na "pagkaing" naihain ng isang tanyag na fast food chain sa Lungsod ng Taguig — sapat para maintriga kahit ang mga dayuhan dito.

Ika-2 ng Hunyo kasi nang "deep fried" na tuwalya ang mai-serve ng isang Jollibee branch sa isang customer, kahit na Chicken Joy ang kanyang order.

Dahil diyan, sinubukan tuloy ng Koreanong Youtuber na si "Mr BulBul" kung magagaya niya ang itsura ng "Jollitowel" — para malaman kung aksidente ba talaga o sabotahe ang pritong tuwalya ng kaninan.

"Maybe I can see if that mistake was intended or real mistake. Let's try," wika ng Koreano.

"What happened? Was this towel beside the chicken or something, or someone intended [to really cook it]? I don't know. But I just wanna see, what if I deep fry it like this? What happens?"

 

 

Dalawang beses niyang sinubukan itong lutuin: (1) gamit ang kalahating tuwalyang nirolyo gaya para magmukhang "drum stick" ng manok at (2) kalahating bimpo na nakalukot lang at nilagyan ng breading.

Sa unang subok, tila nagmukhang realistic na hita ng manok na niluto ang nauna, habang kapansin-pansing napakalaki ng kinalabasan ng kanyang second attempt.

"There are a few possibilities. The first is someone really intended [it]... Even if you squeeze it [a normal sized kitchen towel], it's this big!" saad pa ng lalaki.

"If this comes inside flour or something, it absorbs something inside and it gets a little bigger. Can you believe [what I did], this is half sized."

Sa tancha niya, kung totoong aksidente ang nangyari ay napakaliit na bimpo raw nito at sabay-sabay inilagay sa mantika. Aniya, mapapansin daw kasing hindi ito karne kung paisa-isa ilalagay.

Sinubukan din naman ng Filipino chef na si "PinoyChefKorea FoodVlog" ang parehong eksperimento, bagay na kanya ring ipinaskil sa Youtube.

 

 

Una nang humingi ng tawad ang Jollibee patungkol sa insidente at pansamantalang isinara ng tatlong araw ang Jollibee Bonifacio - Stop Over branch noong ika-3 ng Hunyo para silipin ang kanilang pagsunod sa tamang procedures para matiyak na hindi na ito mauulit.

"We at Jollibee are committed to take the necessary steps to maintain the trust and loyalty that our customer have given to us throughout the years," sabi ng fastfood giant.

"We will also send out reminders to all stores to ensure the strict adherence to Jollibee's food preparation systems.

— James Relativo

JOLLIBEE

TOWEL

YOUTUBE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with