Presyo ng bakuna ‘di pwedeng ihayag – Galvez
MANILA, Philippines — Tumanggi pa ring ihayag sa publiko ng mga opisyal ng gobyerno ang presyo ng bawat dose ng COVID-19 vaccines na nabibili nila.
Sa pagdinig sa Senado, iginiit ni vaccine czar Carlito Galvez Jr., ang non-disclosure agreement (NDA) na pinasok ng bansa sa mga vaccine manufacturers.
Ito ay matapos tanungin ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang mga opisyal ng gobyerno na humarap sa pagdinig na isiwalat ang presyo ng bakuna at ano ang update sa vaccination program.
Iginiit naman ni Drilon na ipinapatupad lang ng Senado ang kanilang oversight function dahil dapat malaman ng publiko kung magkano ang presyo bawat dose ng bakunang binibili ng pamahalaan para na rin sa transparency dahil buwis ng taumbayan ang pinapambili dito.
Subalit giniit ni Galvez na dapat igalang ng gobyerno ang NDA sa mga manufacturers ng bakuna dahil maituturing itong trade secret.
Maaari lamang umanong sabihin ng vaccine czar ang eksaktong presyo sa isang executive session.
Iginiit naman ni Drilon na hindi naman niya inaakusahan ng overpricing ang gobyerno subalit may karapatan umano ang taumbayan na malaman ang mga detalye sa mga binibiling bakuna.
- Latest