Mayor Sara bumanat kay VP Leni!
Sa COVID-19 cases sa Davao
MANILA, Philippines — Binanatan kahapon ni Davao City Mayor Sara Duterte si Vice President Leni Robrero dahil sa komento ng huli tungkol sa pagdami ng kaso ng COVID-19 sa lungsod.
Ayon kay Duterte, dapat tigilan na ni Robredo ang pagbibigay ng payo dahil hindi naman nito alam ang nangyayari sa lugar.
“The Vice President should refrain from giving advice if she knows nothing about what is happening on the ground,” pahayag ni Duterte.
Sinabi rin ni Duterte na tatak na umano ni Robredo ang magbigay ng komento sa mga bagay na kulang naman ang kanyang kaalaman at hindi nagbibigay ng solusyon sa problema.
“This has been the hallmark of her term as VP, where she puts forth comments on matters and affairs she lacks understanding and knowledge on and does not offer anything helpful to solve a problem,” wika pa ng alkalde.
Dagdag pa ng mayor na dapat tigilan na ni Robredo ang pag-atake sa medical community sa Davao City dahil sila ang tahimik na nagdurusa at walang tigil na nagtatrabaho buhat noong Marso ng nakaraang taon.
Dapat ding tingnan ni Robredo ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa ibang panig ng mundo at iwasan na iugnay ang surge ng COVID-19 sa Davao City sa kanyang pamumulitika.
“The VP should avoid involving the Covid-19 surge in Davao City in her attempt at politicking. There will be a proper time to attack my performance as an LCE in this pandemic if she dares to run for President,” birada pa ni Duterte.
Kaugnay nito, sinuportahan ng Malacañang ang ginawang pagbanat ni Duterte sa bise presidente.
“We fully support the statement of Mayor Sara in this regard. Tigil na muna ni VP Leni ang pamumulitika at sasagot naman po si Mayor Sara as Mayor of Davao City kapag daw po eh the VP quote, ‘dares to run for president.’ So abangan po natin ang engkuwentro ng dalawa,” ani Presidential spokesperson Harry Roque.
- Latest