^

Bansa

COVID-19 kaya ipasa ng blood donors? DOH sinabing 'kakaonti ebidensya'

James Relativo - Philstar.com
COVID-19 kaya ipasa ng blood donors? DOH sinabing 'kakaonti ebidensya'
Makikitang nagdo-donate ng dugo ang residenteng ito sa Salle des Illustres sa City Hall ng Toulouse, southern France, ika-21 ng Enero, 2021
AFP/Georges Gobet

MANILA, Philippines — Ayaw pang kumpirmahin ng Department of Health (DOH) kung posibleng maipasa ang coronavirus disease (COVID-19) sa pamamagitan ng blood transfusion, o pagsasalin ng dugo mula sa isang tao patungo sa iba pa.

Natanong kasi ng press ang kagawaran sa isang media forum kung ano ang mga ipinatutupad nilang safeguards upang matiyak na hindi magdudulot ng kinatatakutang sakit ang isang medical procedure na dudugtong sana sa buhay.

"[W]e're just being cautious kasi very minimal evidence pa lang ang lumalabas dito at talagang kailangang pag-aralan pa rin. Pero hindi naman tayo nagpapabaya rin kung saka-sakali," ani Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, Lunes.

"Ang sabi ng [World Health Organization], napaka-minimal ng ebidensya, kailangang pag-aralan nang maigi. Pero 'yung mga posibilidad ay naroon, kasi nagko-cross kasi [ang sakit] from the mother to the child. That's one of the things they're looking at. And kapag ka 'yun ay posibile, posible rin sa transfusion. But for now, we are not confirming this because we need to have further evidences for this."

Primarya pa ring naipapasa ang nakamamatay na virus sa pamamagitan ng droplets. Dahil diyan, tinitignan ng DOH na malayo ang posibilidad na makukuha ito sa dugo.

Noong Marso 2020, una nang sinabi ng WHO na wala pang naitatalang paghahawaan ng respiratory viruses sa kasaysayan gamit ang blood or blood components.

[T]herefore, any potential risk of transmission by transfusion of blood collected from asymptomatic individuals is theoretical. Any actions taken to mitigate risk are therefore precautionary," ayon sa organisasyon noong nakaraang taon.

Dati nang may pag-iingat bago ang pandemya

Simula't sapul, dati nang nagpapatupad ng pag-iingat pagdating sa pagsusuri at pagsasalin ng dugo. Ani Vergeire, meron kasi talagang iba't ibang uri ng sakit na dati nang napatunayang naipapasa sa pamamagitan ng blood transfusion.

"Lahat po ng dugo na dinodonate, pinoproseso po 'yan. Meron po tayong processing for that where there are screening for these blood products kung saan sini-screen natin 'yung mga tinatawag na transfusion transmissible infections," saad pa ng opisyal ng DOH.

"[M]erong processing fee [kahit libre ang blood donations] kasi naggagawa tayo ng screening for these infections that can be transmitted through blood transfusion. At ito po 'yung mga ibang sakit liban dito sa sinasabing apparent COVID-19."

Sa ngayon, mag-aantay pa ang pamahalaan ng mga karagdagang ebidensya at gabay mula sa international institutions gaya ng WHO bago kumpirmahing pwede itong maipasa sa pamamagitan ng naturang kaparaanan.

Sa huling ulat ng gobyerno nitong Linggo, umabot na sa 1,308,352 ang tinatamaan ng COVID-19. Patay naman na mula riyan ang 22,652 katao.

BLOOD DONATIONS

DEPARTMENT OF HEALTH

NOVEL CORONAVIRUS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with