Shawarma Shack, umani ng parangal sa relief efforts noong 2020
MANILA, Philippines — Kilala ang Pilipinas sa taglay nitong tropical climate kung saan nahaharap ito malalakas na bagyo taun-taon. Ang mga ito ay sanhi ng malawakang kalamidad sa iba’t ibang panig ng bansa. Pero sa taong 2020, walang nakapagsabing haharap ang Pilipinas sa iba pang malalalang sakuna.
Taong 2020 nang matunghayan ng lahat ang bagsik ng mga bagyong Ulysses, Rolly at Siony. Bukod pa rito ay ang pagsabog ng Taal Volcano na nagdala ng ash fall sa kalakhang Luzon. At siyempre, hindi makakalimutan na sa taon ding ito nagsimula ang pandemyang dulot ng COVID-19 virus—lahat ng ito ay naging matinding pahirap sa ating mamamayan.
Ngunit sa mga panahon ding ito umuusbong ang mga dakila at huwarang mga indibidwal at institusyon na handang tumulong upang mapabuti ang kalagayan ng nakararami. Isa na sa mga institusyong ito ang Filipino-owned Shawarma Shack.
Bukod sa sikat nilang buy one, take one shawarma, sila ay kilala rin sa pakikipagkawanggawa.
Sa pakikipag-ugnayan ng Philippine Coast Guard (PCG), agad na sinadya ng Shawarma Shack ang mga lugar na malubhang apektado ng mga sakunaat namigay doon ng trak-trak na relief goods.
Unang pinuntahan ng Shawarma Shack ang mga komunindad particular sa Tanauan City, kasunod ng pagsabog ng Bulkang Taal. Puspos na tumulong ang mga company volunteers sa pag-distribute ng relief goods sa mahigit 1,000 na pamilya. Malapit ang lugar na ito sa puso ni Patricia Buenavista, asawa ng Shawarma Shack founder na si Walther Buenavista, bilang childhood hometown nya ito.
Nang dumating ang Nobyembre, nagpakawala ang Magat Dam ng tubig matapos itong mapuno sa walang tigil na pag-ulan dulot ng Typhoon Ulysses. Nagsanhi ito ng katakut-takot na pagbaha sa mga karatig lugar ng Cagayan River.
Kaya naman hindi nagdalawang-isip na rumesponde ang Shawarma Shack, dala ang suplay nitong relief packs na ipinamigay sa mga pamilyang nangangailangan.
Sinaklolohan din ng Shawarma Shack ang mga Bicolano pagkatapos na bayuhin ng Bagyong Rolly, Siony at Ulysses ang lalawigan. Dinayo ng Shawarma Shack team ang mga evacuation centers kung saan sila namahagi ng essentials goods.
Hindi pa nagtatapos diyan ang pagkakawanggawa na ipinamalas ng kumpanya. Noong Marso hanggang Abril 2020, araw-araw itong nagbigay suporta sa mga frontliners sa pamamagitan ng pagdo-donate ng 5,000 food products sa Philippine General Hospital, San Lazaro Hospital, Research Institute for Tropical Medicine, National Capital Region Police Office, Criminal Investigation and Detection Group, Armed Forces of the Philippines, sa mga nasa Mindanao Avenue at Balintawak exit borders, pati na rin ang mga karatig na area.
Para sa lahat ng kanilang goodwill efforts, pinarangalan ng PCG ang Shawarma Shack ng plaque of appreciation noong May 20. Ang tumanggap ng naturang award ay walang iba kundi ang Shawarma Shack CEO na si Walther Uzi Buenavista.
Pinatunayan ng Shawarma Shack na buhay pa rin sa dugo ng mga Pinoy ang bayahinan, na likas pa rin sa atin ang pakikipagkapwa-tao lalong-lalo na sa panahon ng kagipitan.
Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang kanilang website sa https://www.shawarmashack.ph.
- Latest