^

Bansa

Kabataang naaadik sa online gambling dumarami

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Kabataang naaadik sa online gambling dumarami
Kagnay nito, nanawagan ang solon na i-regulate ang e-sabong at e-bingo upang maiwasan na malulong din ang mga kabataan dahil tulad rin ito ng virus na sumisira sa buhay ng mga naadik sa online gambling.
Tory Ho/AFP

MANILA, Philippines — Tumataas umano ang bilang ng mga kabataang  naaadik o nahuhumaling sa online gambling kaya ipinasisiyasat ni Deputy Speaker at 6th District Manila Rep. Bienvenido Abante Jr. sa Kamara ang online cockfighting o e-sabong, online bingo, virtual casino at iba pang uri ng internet gambling.

Anya, ang internet ay nag-aalok ng access at pagtatago ng pagkakakilanlan ng mga manunugal kung saan dapat na bantayang mabuti ng mga magulang ang kanilang mga anak dahil ang mga ito ay computer literate.

Dahil online o digital currency ang gamit sa pagpusta sa online sa­bong, marami umano ang nalululong sa bisyong ito dahil isang pindot lang ang pagtaya. Ang masakit dito anya pa, kahit menor- de-edad ay nakakataya sa online sabong sapagka’t hindi naman nakikita ng operators o ng PAGCOR kung sinu-sino ang tumataya.

Marami na rin uma­nong napabalita na mag-asawang naghiwalay dahil naadik sa online sabong ang asawa habang may mga seaman at OFWs na nagpakamatay dahil naubos ang naipon at walang maiuwi sa pamilya.

Kagnay nito, nanawagan ang solon na i-regulate ang e-sabong at e-bingo upang maiwasan na malulong din ang mga kabataan dahil tulad rin ito ng virus na sumisira sa buhay ng mga naadik sa online gambling.

ONLINE GAMBLING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with