Kaso ng COVID-19 sa bansa 1.24 milyon na ngayong 7,217 bagong hawa
MANILA, Philippines — Nakapagtala ang Department of Health ng 7,217 bagong infection ng coronavirus disease, Huwebes, kung kaya nasa 1,247,899 na sumatutal ang nahahawaan nito sa bansa.
Batay sa mga bagong nakalap na datos ng Kagawaran ng Kalusugan, narito ang bagong mga pasok na datos para araw na ito:
- Lahat ng kaso: 1,247,899
- Nagpapagaling pa: 55,790, o 4.5% ng total infections
- Kagagaling lang: 2,483, dahilan para maging 1,170,752 na lahat ng gumagaling
- Kamamatay lang: 199, na siyang nag-aakyat sa total local death toll sa 21,357
Anong bago ngayong araw?
-
Ipinaalala naman ng DOH sa publiko ang kahalagahan ng pagpapaturok ng ikalawang dose ng COVID-19 vaccines sa nakatakdang araw, matapos mapag-alamang kalahati sa nakatanggap ng first dose ang nagmintis sa tamang araw ng sunod na vaccination.
-
Iniulat naman ng Bureau of Treasury ngayong araw na "record high" na sa kasaysayan ng bansa ang naiipong utang ng gobyerno noong Abril — kalakhan dito inilaan bilang tugon sa COVID-19 pandemic response.
-
Nanindigan naman si presidential spokesperson Harry Roque proteksyong ibinibigay ng face shields laban sa COVID-19. Nanawagan kasi ngayon si Manila Mayor Francisco "Isko Moreno" Domagoso na 'wag na itong iobliga publiko dahil "dagdag gastusin" lamang aniya.
-
Nananawagan naman ngayon ang Coalition for People’s Right to Health sa gobyernong suportahan ang Trade-Related Aspects of Intellectual Property Rights waiver, isang mungkahi para i-waive ang intellectual property rights ng COVID-19 technologies para mapigilan, magamot at kontrol ang pandemya.
-
Umabot na sa 170.81 milyon ang tinatamaan ng COVID-19 sa buong daigdig, ayon sa huling datos ng World Health Organization. Sa bilang na 'yan, patay na ang halos 3.5 milyong katao.
— James Relativo at may mga ulat mula kay Xave Gregorio
- Latest