^

Bansa

Go-Duterte tandem sa 2022, posible

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hindi isinasara ni Se­nator Christopher “Bong” Go ang posibleng pag­tak­­­bong pangulo ng ban­sa sa 2022 national elections, katambal si Pangulong Duterte bilang bise-presidente.

Subalit ito ay kung wala na umano talagang mapagpipiliang maisasabak ang kanyang mga kapartido.

“Kung talagang wa­lang-wala na po tapos wala namang pares si Pangulong Duterte… kung mayroon naman siyang pares na makakapagpatuloy ng  pagbabago at ang continuity ng ating gobyerno ay sila na ang unahin,” ayon pa kay Go.

Idinagdag pa ng Senador na kung mayroon namang mahanap na pares para kay Pres. Digong ay unahin ito at ihuli na lang siya sa listahan dahil hindi naman siya interesado para sa pinakamataas na posisyon sa bansa.

Sa kabila nito, sinabi ni Go na mangyayari lamang ito kung magkakainteres pa si Pangulong Duterte na tumakbo sa pagkapangalawang pangulo ng bansa sa May 2022 elections.

Ginawa ni Go ang pahayag, kasunod ng ulat na may mga lider ng PDP-Laban na partido nila ni PDuterte na nagtutulak na isabak ang Chief Exe­cutive sa pangalawang pagkapa-ngulo sa darating na halalan.

Sinabi rin ng mam-babatas na dati na niyang nasagot na hindi siya interesado sa posisyong pagkapangulo dahil alam niyang napakahirap ng trabahong ito.

Ngunit kung trabaho umano ang pag-uusapan ay alam na alam niya kung paano magtrabaho si Pangulong Duterte.

RODOLFO ORDANES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with